Mas maganda po kung may music habang binabasa. Para feel na feel. Haha.Eliz's POV
Hi, im Eliz Jane. Ako lang naman yung pinamigay ng magulang ko sa kaibigan nila at nagpuntang ibang bansa para doon bumuo ng masayang pamilya. Ang galing nila diba? Pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga kaibigan nila dahil minamahal nila ako parang isa ako sa tunay nilang anak. Nagpapasalamat rin ako dahil nagkaroon pa ako ng kuya... Kuya Jake. Kaibigan niya si Jerome na kapitbahay namin.
Monday nanaman. Papasok nanaman ako sa school. Sa pinakaayaw kong lugar. Lalong lalo na pag nakikita ko yung mga pagmumukha ng mga Mean Girls na yon.
"Oy Eliz hahatid na nga kita" pag alok sa akin ni kuya Jake.
"Wag na kuya. Sanay na akong mag isa. Saka baka malate ka pa" sabi ko sa kanya. Ayoko kasi na pati siya madamay pa. Mabuti na yung ako nalang yung kainisan nila. Kahit wala naman talaga akong ginagawang mali sa kanila.
"Arte mo! Basta I'm just one call away ha" sabi niya at umalis na.
Ayan na... Yung mga kinatatakutan ko sumasalubong na sa akin.... The mean girls...
"Girls she's here" sabi nung leader ata sa grupo nila.
Nilagpasan ko lang sila dahil wala akong oras para makipag away sa kanila.
"Aba nilalagpasan lang tayo" sabi nung isa at hinila yung buhok ko.
Umiyak nalang ako. Wala naman akong laban sa kanila. Isa lang ako marami sila. Sino nga bang may pake sa akin? Eh pati tunay na magulang ko walang pake sa akin. Ayoko naman idamay pa yung mga kinikilalang pamilya ko ngayon. Sila na nga lang nagmamahal sa akin eh. Ayokong masaktan sila. Mas mabuti na yung ako yung masasaktan.
"Ano iiyak ka lang ba? Ang weak mo! Hahaha" sabi nung leader sa akin. Habang yung isa nakasabunot sa buhok at yung iba nakapaikot sa akin.
"Chloe bitawan mo siya!"narinig kong sabi ng isang lalaki. Hindi ko siya makita dahil maraming nakaharang sa kanya. Pero pamilyar yung boses niya eh. Chloe pala name nung leader nila.
"At bakit? Hindi ka na ba nasanay sa mga ginagawa ko? " sabi niya dun sa lalaking umawat sa kanya.
"Sanay na ako sayo dahil alam kong maldita ka talaga. Pero si Eliz? May ginawa ba siya sa inyo? Tabi nga" sabi nung isang lalaki at hinila niya nalang ako bigla palayo sa mga yon. Sabi na nga ba familiar siya. Siya yung kapitbahay namin pero bakit niya to ginawa?
BINABASA MO ANG
JANEROME PLAYLIST
De TodoMga iba't ibang kanta na gagawan ko ng story. All about JaneRome. Jane Oineza and Jerome Ponce. Love love! <3