Yung music po :) mas maganda po kung yung piano.. Para feel na feel hehe!
Katie's POV (Keyti)
Halos lahat ng kaklase ko nilalayuan ako. Hindi ko naman ginusto to eh...
"Umalis ka na dito"
"Nagkakalat ka lang"
"Mahal pa namin buhay namin"
Sabi nila sa akin habang binabato ako ng papel... Hinarangan ako ni Sean (Shan) at lahat ng binabato nila kay Sean tumatama... Si Sean yung taong umamin sa akin yung taong mahal ko rin pero hindi ko siya tinanggap... Dahil natatakot akong mahulog sa kanya... Siguro mas okay na rin to dahil ayokong masaktan pa siya lalo pag wala na ako... Hindi ko na napigilan yung mga luha ko. Lumabas na ako dun...
Nakita ko si Sean na papalapit sa akin... Bumibilis na naman yung tibok ng puso ko... Gustong gusto ko siyang yakapin sa mga oras na ito... Pero hindi pwede...
Tumayo na ako at hinabol naman ako ni Sean... "Please Katie... I love you. I'll protect you... Promise" sabi niya sa akin at yinakap niya ako. Naramdaman kong tumulo yung mga luha niya. I love you too Sean.... Sabi ko sa isip ko.. Tinulak ko siya para makaalis ako sa yakap niya at saka ako tumakbo... palayo sa kanya...
Sean's POV
Tinignan ko lang siyang tumatakbo palayo sa akin... Mahal na mahal talaga kita Katie.. Hinding hindi ako susuko sayo... Sana dumating yung araw na matatanggap mo rin ako... Pero sana hindi na huli ang lahat...
Tiwala lang makakasama pa kita ng matagal Katie... Wag ka ng lumayo sa akin...
Katie's POV
Sa pagtakbo ko feeling ko nauubusan na ako ng hininga. Kaya umupo muna ako sa tabi. Habang iniisip ko lahat ng nangyayari sa buhay ko hindi ko mapigilan hindi maiyak. Sa buong buhay ko si Sean lang yung taong minahal ko ng ganito... Pero anong gagawin ko? Natatakot ako magmahal.. Hindi pa siguro ako handa..
Nung umayos na yung paghinga ko umuwi na ako na parang walang nangyari sa akin. Inayos ko yung sarili ko...
"Oh Katie kamusta school?" tanong sa akin ni daddy...
"Ayos naman po" sagot ko at saka ngumiti.
"Hindi ka naman nagpapagod diba? Mag ayos ka na at pupunta pa tayo sa doctor mo" sabi sa akin ni mommy kaya nagpalit na agad ako ng damit... Ang galing ko talaga magpanggap na maayos ang lahat... Kahit ang totoo parang hindi ko na kaya..
Pagkacheck up sa akin lumabas na agad ako dun. Naiwan sila mommy at daddy dahil kakausapin pa sila nung Doctor... Umupo nalang muna ako habang hinihintay ko sila.
BINABASA MO ANG
JANEROME PLAYLIST
RandomMga iba't ibang kanta na gagawan ko ng story. All about JaneRome. Jane Oineza and Jerome Ponce. Love love! <3