Jane's
Nandito ako ngayon sa village namin. Tambay sa labas kasama ang barkada.
"Oy Jane san na libre mo?" tanong sa akin nila Diego. Halos lahat kasi ng kaibigan ko lalaki ay mali, lahat pala ng kaibigan ko lalaki.
"Libre kayo dyan. Eto gusto nyo?" sabi ko at tinaas ko yung kamao ko.
"Babe..." tawag sa akin nung boyfriend ko. Yes may boyfriend ako at loyal ako sa kanya.
"Oh babe napadalaw ka" sabi ko at nilapitan ko na siya. Binigyan ko siya ng isang matamis kong halik.
"Baka gusto mo akong ipakilala sa kanila no?" sabi nung boyfriend ko. Si Jerome.
"Okay!" sabi ko at hinarap ko yung mga kaibigan ko "Oy mga panget si Jerome nga pala. Jerome mga panget kong barkada" pagpapakilala ko.
"Dalaga na si bakla" sabi ni Manolo.
"Bakla ka dyan. Mamaya ka saken" sabi ko at inaya ko muna pumasok si Jerome sa bahay.
"Mama! Papa! Andito po si Jerome" sigaw ko.
"Babe" hila niya sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Barkada mo talaga yung mga yun?" tanong niya sa akin.
"Oo bakit wala ka bang tiwala sa akin babe?" naiinis na tanong ko sa kanya.
"May tiwala ako sayo babe pero puro lalaki sila. Hindi naman mawawala sa akin na magselos ako diba" sabi niya at iniwan ko siya dun.
"Babe kausapin mo naman ako" dagdag pa niya.
"Jerome barkada ko LANG sila. Okay? Wala ka dapat ikaselos" sagot ko sa kanya at napakamot nalang siya sa ulo niya.
"Okay fine. Boyfriend mo lang naman ako diba?" sabi niya at tinalikuran ako.
Kahit naman na ganyan kami mag usap hindi ko kayang galit siya sa akin. Kaya hinila ko yung kamay niya.
"Babe sorry na" sabi ko
"Okay kung yan ang gusto mo... Iiwasan ko sila" sabi ko kahit mahirap para sa akin.
Hinarap niya ako at hinawakan niya ako sa pisngi ko. "Babe gusto ko ako lang... WALANG IBA" sabi niya kaya tumango ako at niyakap ko siya.
"Sorry din babe... Nadala lang talaga ako ng selos..." sabi pa niya.
Sabi nga nila mas okay yung boyfriend na seloso kesa sa boyfriend mong walang pake sayo.
Jerome's
Alam kong kaibigan niya lang yun. Pero syempre mahalaga siya sa akin at ayokong maagaw siya ng iba.

BINABASA MO ANG
JANEROME PLAYLIST
РазноеMga iba't ibang kanta na gagawan ko ng story. All about JaneRome. Jane Oineza and Jerome Ponce. Love love! <3