Jane's POV
"Ryan may pupuntahan ka ba mamaya?" tanong ko sa best friend ko. Ayoko na kasing itago tong nararamdaman ko. Gusto ko na sabihin sa kanya yung totoo.
"Oo may date kami ni Maxine eh. Bakit?" kaso ang problema may mahal siyang iba. Sasabihin ko pa ba sa kanya yung nararamdaman ko o hanggang dito nalang talaga siguro kami?
"W---wala" nauutal na sabi ko. Pumasok nalang ako uli sa bahay. Bakit mo kasi minahal yung best friend mo? Ang tanga tanga mo!
Nagulat ako ng tumawag sa akin yung baliw kong kaibigan.
[Mag ayos ka ng sarili. May date ako sayo dalian mo! Punta ka dito sa cafe ko] sabi niya agad. Date? Ano nanaman pumasok sa isip nun?
Sinunod ko nalang yung sinabi ni Janella sa akin at pumunta na ako sa cafe niya.
"Oh ano nanaman to?" tanong ko sa kanya at nakangiti lang siya.
"Chill ka muna Dra" nakalimutan kong sabihin Doctor nga pala ako. Pero bakit hindi ko kayang gamutin tong puso ko? Char!
"Hindi ko kailangan ng date" seryosong sabi ko
"Ano habambuhay ka nalang magpapakatanga dyan sa best friend mo? Move on din pag may time" tumayo na siya at tumingin sa likod ko "Bakit di mo subukan magmahal ng iba? Sge seeyou later" nag peace sign siya at umalis na.
"'Hi Jane" teka kilala ko to! Humanda ka talag sa akin mamaya Janella!
"Jerome?! Ano to ha?!" sigaw ko nung makita ko siya. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko sa kanya. Pero naiinis talaga ako pag nakikita ko siya.
"Babe galit ka nanaman sa akin?" babe?! lumapit siya sa akin at inakbayan ako "Huwag kang gumawa ng gulo dito" bulong niya sa akin.
"Bitawan mo nga ako!" lumabas na ako. Gabi na pala? So ngayon na yung date nila Ryan at Maxine? Ano bang gagawin nila don!!
"Bakit ba galit na galit ka sa akin ha?" tanong sa akin ni Jerome.
"Wala ka na dun" pagtataray ko sa kanya
Babalik na sana ako sa cafe ng makita ko si Ryan.
"Si Ryan.." sabi ko at pupuntahan ko dapat siya ng pigilan ako ni Jerome.
"Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya.
"Ayoko lang masaktan ang taong mahal ko" sabi niya at yinakap niya ako. Wala na akong nagawa. Parang huminto bigla yung mundo ko.
Nakita ko nalang na sinuot ni Ryan yung singsing kay Maxine. Oo kitang kita yun ng dalawang mata ko. Bigla nalang tumulo ang aking mga luha sabay sa pagbuhos ng malakas na ulan.
BINABASA MO ANG
JANEROME PLAYLIST
De TodoMga iba't ibang kanta na gagawan ko ng story. All about JaneRome. Jane Oineza and Jerome Ponce. Love love! <3