Almost :--((

40 6 2
                                    

Alyssa's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin. Wala lang gusto ko lang magpahangin... May mga oras lang talaga na gusto kong mapag isa. Oo mag isa...kasi yung taong minahal ko naghanap ng iba. Ganun talaga wala kasing forever. Naniwala lang naman kasi ako sa kanya, pinaniwalaan ko lahat ng pangako niya. Pero bakit ganun? Namimiss ko pa rin siya.. Yan tayo eh nasaktan na nga nila tayo pero hindi pa natin sila makalimutan. Wala eh seryoso kasi tayo, nagseryoso tayo sa taong akala natin seryoso rin sa atin.

Wala eh, andun na dapat kami kung hindi lang sana siya naghanap ng iba :((

Eto lang ang masasabi ko sa mga tulad nilang madaling magsawa, marerealize niyo lang yung halaga ng isang tao sa buhay mo kapag nawala na sila..

Teka bakit ba ang drama ko? Eh WALA NAMAN KAMI diba? Nasaktan nga kasi ako.. kasi minahal ko na siya.. Crazy na kung crazy pero im fucking inlove with him...

Speaking off... Dumaan siya sa harap ko ng parang wala lang. Parang hindi niya ako minahal ha? Lokohan ba?! Naalala ko tuloy yung dati... Yung mga panahon na masaya siya sa piling ko hindi sa piling ng iba.. Kung nakapaghintay lang kasi siya diba? EDI SANA MASAYA KAMI. Kaso wala na! Tapos na! Nangyari na ang hindi dapat nangyari..

---FLASHBACK---

"Oy Alyssa! Tara na dali! May sasabihin sayo si Kief" hila sa akin ni Jea. Pinsan ko. Teka Kief?! Alam naman niya na crush ko yun eh! Bakit niya ako ilalapit dun? Ayoko nahihiya ako.

"Wag ng maarte pinsan! May sasabihin lang si Kief, okay?" sabi niya at iniwan na niya ako sa labas ng bahay namin. Ano kaya yun?

"Hi Aly" bati niya sa akin (Kief)

"Ay Kief!!" taranta na sagot ko.

"Ayos ka lang?" tanong niya habang nakangiti. Ang gwapo gwapo niya talaga pag ngumingiti!!

"Ah oo naman! Okay na okay!" sabi ko. Siguro kulay kamatis na ako ngayon dito! First time ko kasi siya nakausap sa personal. Hanggang text or chat lang kami eh.

"Diba sabi ko sayo sa text may ipagtatapat ako... Gusto kong sabihin yun sa harap mo hindi sa text lang" sabi niya kaya medyo kinabahan ako.

"Alyssa... Gusto kita" sabi niya sa akin na ikinagulat ko. Totoo ba to? Hindi ako nananaginip?

"Teka lang okay? Sorry ha? Pero di pa ako nagpapaligaw" teka bat ba yun yung nasabi ko?! Wala man lang pakipot Aly? Gising!

"Hindi hindi... Sinabi ko lang sayo to.. Maghihintay ako promise" sabi niya

"Ah ganun ba? Nakakahiya" sabi ko at nagtakip ako ng mukha ko

"Di ah! Cute nga eh" sabi niya kaya napangiti nalang ako.

Hindi na ako aamin kasi sure naman ako na alam na niya na crush ko siya. Sa daldal ba naman nung pinsan ko! Medyo close kasi sila eh.

Simula nung araw na yun lagi na niya akong hinahatid sundo sa tuwing papasok ako. Daig pa namin yung candy sa sobrang sweet namin sa isa't isa. Halos di na nga kami mapaghiwalay eh. Kaya minsan naguguluhan tuloy ako. Natatanong ko nalang sa sarili ko kung ano ba talaga kami?

Sa tuwing may babaeng lumalapit sa kanya nagseselos ako pero ano nga bang karapatan ko? Eh hindi ko nga alam kung ano ba talaga status namin.

"Oy" pangungulit nya sa akin.

"Ano ba Kief"

"Sungit" pang aasar niya

"Ano ba kasing problema mo? Dun ka na kausapin mo na yung babae mo" sabi ko sa kanya

JANEROME PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon