CAN I HAVE THIS DANCE

67 5 16
                                    

Don't forget to play the music first. Thank yaah! Hope you like it! 



Natalia's POV



Hanggang ngayon hindi pa rin ako makasunod sa sayaw namin. Si Luke nga kasi partner ko. Ano ba!! Crush ko yun eh! Lagi tuloy buo araw ko. Hahaha



At dahil bukas na rin yung sayaw, General practice namin ngayon. Omooo!!! Kakayanin ko ba?



"Hi Natalia" bati sa akin ni Luke. Dito palang hindi ko na siya matignan ng ayos eh! Makipagsayaw pa kaya? 



"Hello" bati ko at nginitian ko siya. Kinikilig ako na nahihiya pa rin at the same time. Wooooh! 



"Galingan mo ah? Sige" sabi niya sa akin at ngumiti rin. Gusto ko ng magwala dito!!! Hindi na ako nakasagot dahil umalis na rin siya.. Magaling siya magsayaw dahil dancer yun. Kaya nga ako nainlove dun eh. Hahaha kanina crush lang ngayon love na? 



Hindi tuloy ako nakakain kakaisip kung ano gagawin ko mamaya! Nakakahiya naman kasi makipagsayaw sa isang dancer. Hays! Bahala na.



"Okay let's start!" sigaw nung nagtuturo sa amin. Magkatabi na kami ngayon ni Luke at feeling ko magwawala na rin yung puso ko mamaya. Madikit nga lang ako sa kanya feeling ko nakuryente na ako. Hahahaha



"Una, humarap kayo sa partner niyo. Kailangan eye to eye" sabi nung nagtuturo. Omooo ayoko naaa!!! Hindi ko talaga  kaya to. 



"Natalia? Right?" tanong sa akin nung nagtuturo. Kaya tumango lang ako. "Ilang beses na ba natin ginagawa to?! Eye to eye nga diba? Nasa sahig ba mata ng partner mo?" naiinis na sabi nung nagtuturo sa akin. Yumuko uli ako dahil sa kahihiyan.



Nagulat ako ng inangat ni Luke yung ulo ko "Look at me Natalia..." sabi niya sa akin at ngumiti. ANO BA LUKE WAG MO KONG NGITIAN!!! LALO AKONG MAHUHULOG NITO EH!!



Ngayon hindi ko na namamalayan na magkatitigan pa rin pala kami. Gaya nung sinabi nung nagtuturo nilahad ko yung kamay ko at kinuha naman niya yun. Lumapit siya sa akin at lumayo naman uli ako. Hindi ko talaga kaya na magkalapit kami. Baka kulangin ako sa oxygen.



Nakalipas rin ang ilang oras natapos na rin yung practice. Sa wakas!!! Makakahinga na rin ako ng maluwag! Nag aayos na ako ng gamit ko ng makauwi na ako. 



"Natalia" nagulat ako ng may tumawag sa akin. Tinignan ko siya..

JANEROME PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon