Slipped Away

78 5 10
                                    

Jhane's POV (Yung music dont forget! hihi!)




Ako si Jhane... Feeling ko sikat ako dahil ang daming nakakakilala sa akin... Kilala lang naman ako bilang isang anak ng killer. At lahat sila takot sa akin.. Wala na si papa. Pero bakit iniwan niya kami ni mama? Iniwan niya kaming naghihirap dahil sa nagawa niya.





Ano bang nagawa ko sa kanila?



Sa tuwing pumapasok ako ng school puro nalang pambubully yung natatanggap ko. Wala akong kaibigan kung di ang sarili ko lang.




At sa tuwing nalulungkot ako pumupunta lang ako sa playground na malapit dito sa bahay namin. Dito ako nag iisip ng mga bagay na nagawa ko sa kanila na kung bakit galit sila sa akin. Hindi naman ako yung pumatay... Yung papa ko yun. Ano pa bang gusto nila? Wala na ang papa ko.





Hindi ko na mapigilan na maluha.





Nagulat ako ng may nag abot sa akin ng panyo... Ngayon ko lang siya nakita dito.





Hindi ko yun tinanggap at yumuko nalang ako. Siguro hindi niya pa ako kilala.





"Okay ka lang?" tanong niya sa akin 





Tumingin ako sa kanya.





"Hindi mo ba ako kilala?" tanong ko sa kanya.





"Bakit? Sikat ka ba dito? Artista ka ba? Ano? Sino ka ba?" sunod sunod na tanong niya sa akin. Tama nga ako hindi niya ako kilala. Tumayo na ako mas mabuti pa na umalis nalang ako.





"Oy san ka pupunta?" tanong niya sa akin ng biglang bumuhos ang ulan "Hala umuulan" sabi niya at tumakbo siya sa may slide para sumilong "Tara dito! Mababasa ka!" sabi niya sa akin.

JANEROME PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon