My first love (Its not easy letting Go)

15 1 5
                                    

[[Hindi ito kagaya nung mga naunang story ko. Ginawa ko lang to para ma share ko sa inyo yung mga pinagdaanan ko at nagbigay din ako ng ilang advice about love.]]

Pero play nyo pa din yung music while reading para mas dama bes! Hahahahaha. This song is requested by Patricia (She's my best friend)

_

______________________________________
Paano nga ba magmahal? Bakit kailangan pa masaktan bago matuto? Bakit lahat ng saya kailangan may kapalit na lungkot? At ang malala pa don ay yung saglit ka lang sumaya sa piling nya pero pangmatagalan lungkot yung kapalit nung nawala siya.

We're in a relationship for 9 months. Why is it only 9 months? Because he decided to leave. He left. I did everything for him to stay. I beg for love. Twice.

Pero sabi nga nila meron talagang mga "Pinagtapo pero hindi tinadhana"

Siguro nga binigay lang siya sa akin ni Lord bilang lesson sa buhay ko. Na hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin. Sguro din inalis siya sa akin dahil hindi siya yung guy na deserve ko. In short, he's not the right guy for me.

Pero ang hirap pa rin kalimutan yung taong naging part na ng buhay natin. Yung taong nakasanayan natin kausap araw araw, ngayon wala na. Yung taong inakala mong hindi ka iiwan, iiwanan ka din pala.

4 months na since we broke up but im still into him. Lahat na sinubukan ko para lang kalimutan siya pero di pala talaga madaling kalimutan yung taong minahal mo ng sobra. I tried using some dating app and talk to someone i didnt know in person. Pero sa tuwing may nakakausap ako siya pa din yung nasa isip ko. Kaya tinigil ko nalang kasi ang boring. Im not interested. Tanga na ba tawag sa ganito? Yung iniwan ka na nga, binalewala ka na nung taong mahal mo pero siya pa din yung laging iniisip mo? Siya pa din yung mahal mo? Tanga na ba ako non?

Actually he's my first boyfriend. Pumasok ako sa isang relasyon ng di ko pinaghandaan. In short, hinadali ko. Dahil ayoko na siya mawala pa sa buhay ko. Pero mali pala yung ginawa ko. Masyado din ako nagpadala sa emosyon ko. Alam ko ng talo ako but still I take the risk. Ganun ata talaga pag nagmamahal ka na. Lahat gagawin mo para dun sa tao na yun. Lahat ibibigay mo. Which is not right.

Pero ngayon na may experience na ako sa mga relasyon na yan. I've learned so many things. Na sa susunod kong relasyon, hindi ko ibibigay lahat. Magtitira na ako para sa sarili ko. Para kung dumating man yung time na iiwanan uli nila ako. Alam ko na yung worth ko and i will never beg for someone's love again. NEVER.

Para sa mga taong nasaktan. Eto lang masasabi ko. Keep on going. Kasi we had no choice naman kundi pilitin maging okay. Wag na wag mo hayaan na talunin ka nyan lungkot mo. Strong ka and God is always there for us. Kung sa tingin mo wala ng nagmamahal sayo. Andyan si God na mahal na mahal ka. Mahal na mahal tayo.

Para don naman sa mga iniwan, tulad ko. Hayaan na natin yung mga taong hinayaan na din tayo. Magiging masaya din tayo soon. Just focus in yourself muna. More self love baby. Sure ako na dadating din yung right person para sa atin. Maghintay lang tayo. Sa mga babae dyan, wag na tayo maghanap hayaan na natin na tayo ang hanapin. 😄 Be dalagang filipina in this world full of... (kayo na bahala mag dugtong HAHA)

At sa mga nang iwan, sana maging masaya din kayo sa desisyon nyo. Ipakita nyo na kaya nyo maging better. Patunayan nyo yung reason nyo kung bakit nyo sila iniwan. Hindi yung sasabihin nyo na "hahanapin ko lang sarili ko" pero yung totoo pala eh "hahanap lang sa IBA". Goodluck nalang sa mga taong ganyan. Karma nalang bahala sa inyo. Hindi marunong makuntento sa isa pwe!

Para sa mga naloko, wag na wag kayong gaganti. Let him/her go nalang. Wag nyo sayangin yung sarili nyo sa mga walang kwentang tao. Know your worth. Kasi kung mahal ka nyan hinding hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang ikasasakit mo. Dun ka sa taong kaya iparamdam sayo na mahal na mahal ka nya at takot siya na mawala ka. Dun tayo sa taong consistent. Hindi yung sa una lang mga magaling. :)

At sa mga patuloy naman nagmamahalan, mas pahalagahan niyo pa yung isa't isa. Kasi mahirap na makahanap ng true love sa panahon ngayon dahil madali na makuha ang SEX. May mga challenges man kayo na pinagdadaanan. Kaya nyo yan!! Ginusto nyo yan eh. Hindi lang naman kasi puro kilig at saya pag pumasok ka sa isang relasyon asahan mo na din maraming mahihirap na pagsubok na darating para subukan kung gaano nyo kamahal ang isa't isa. Kaya dapat pareho kayo lalaban. 2 kayo dyan kaya dapat tulungan. Be fair enough. Give and take.

At sa mga batang jowang jowa na dyan, eto lang masasabi ko hindi lahat ng relasyon masaya. Hindi lahat ng relasyon ay katulad nung mga nababasa nyo dito sa wattpad o napapanood nyo sa kdrama! Kasi para sa akin konti nalang yung mga lalaking ganyan!!! :p

Also, kapag pumasok ka sa isang relasyon dapat alam mo sa sarili mo yung limits mo. Wag ka gagawa ng mga bagay na ikasasakal ng partner mo. Wag ka din magkukulang. Dapat balance lang. Ganun din dapat yung partner mo sayo. Hindi yung puro ikaw lang. Wag mo hayaan i take for granted ka! Wag ka masyado magpakabait. Kung alam mong mali na, kung alam mong nakakasakit na siya sayo o sainyong dalawa. Itigil nyo na. Kasi mas lalala lang yan kung ipagpapatuloy nyo pa. Hindi mo deserve yung taong hindi ka kayang ipaglaban. Tandaan mo yan. Dapat mag tulungan kayo mag grow. Wag ka mag settle sa taong kaya kang tiisin kapag magkaaway kayo. You deserve more. At pinakamahalaga sa lahat wag na wag nyo sisirain yung TRUST na binigay sa inyo nung partner nyo kasi sobrang hirap buuin nyan. Kahit isang beses ka lang magsinungaling mahirap na uli buuin yan. Kaya dapat palagi kang honest sa partner mo. Kahit pa alam mo na masasaktan siya. Mas mabuti ng sabihin mo yung totoo kesa magpanggap ka pa tapos di na pala totoo yung pinapakita mo sa kanya. Mas masakit yun promise. Dapat din kung papasok ka sa isang relasyon yun ay dahil seryoso ka sa partner mo at siya na yung gusto mo makasama sa future. Hindi pampalipas oras lang dahil bored ka o kaya naman minahal mo lang siya dahil kailangan mo lang siya. Pano kung di mo na siya kailangan? Iiwanan mo nalang ng basta basta? Beriwrong 😏

Ang pagpasok sa isang relasyon ay hindi joke joke lang. Seryosohin nyo naman.

Kaya sa mga single dyan wag kayo magmukmok sa gilid dahil lang wala kayong jowa! Nako sasabi ko sainyo dagdag stress lang yan jowa na yan. Charot. Haha! Wag ka mag alala dadating din yon! Pero sa ngayon sarili muna natin, okay?? Para pag dumating na sila ready na tayo! Ready na lumandi ganoin! Hahaha. Magtapos muna tayo ng pag aaral at hintayin muna natin maging successful tayo. Kundi naman makapag hintay edi wag! HAHA dyan ka masaya eh. Di kita pipigilan buhay mo naman yan. ♡

Babush!! :p - Ms. B ♡♡♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JANEROME PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon