Play niyo yung kanta ha? -Ms. B
Cassy's POV
"Sabi mo mahal mo ko! Niloko ko ang ate ko dahil sayo! Pero nagkamali pala ako dat hindi nalang ako naniwala sayo!" sabi ko kay Ron.
"Mahal kita, noon! Nakakapagod ng maghintay! Ni ayaw mo nga akong pakilala sa ate mo!" sigaw niya sa akin kaya sinampal ko siya.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na iba ang ate ko? Iba siya magalit. Ayaw niya akong magkaroon ng boyfriend dahil masasaktan lang ako. Tulad mo! Sinaktan mo lang ako!" sigaw ko sa kanya at iniwan ko na siya dun. Kung ayaw na niya hindi ko na siya pipilitin. Hindi ako ganun ka desperada.
Uuwi nalang ako. Nagsinungaling nanaman ako sa ate ko. Naghihintay na ako ng LRT pero bakit pati siya ang tagal? Wala na akong pake sa itsura ko. Ayaw pa rin tumigil ng mga luha ko. Feeling ko pinagtitinginan ako dito. Ang tanga tanga ko.
Nagulat ako ng may mag abot sa akin ng panyo. Pero hindi ko yun tinanggap. Ganyan naman yang mga lalaki eh. Sa una lang sweet! Pag nagsawa na yan iiwan at papalitan ka rin niyan!!
Hindi ko namalayan na dumating na pala yung train. Sinabi lang sa akin nung lalaking nag abot ng panyo kanina. Inalalayan pa niya ako pero inalis ko yung kamay niya. Hindi ko kailangan yun. Close ba kami?
Kailangan maghanda na ako pag uwi. Sigaw nanaman ni ate maririnig ko. Nakakasawa na. Oo ate ko lang kasama ko dahil namatay yung parents namin bata palang kami. No, pinatay sila. Sobrang sakit na makita ko silang pinapatay at wala man lang akong nagawa para iligtas sila.
--
"Saan ka galing?" tanong sa akin ni ate.
"Dyan lang po" walang ganang sagot ko.
"Dyan?! Cassy hanggang kailan mo ba ako lolokohin ah?!" sigaw niya sa akin.
"Sorry ate wala ako sa mood ngayon" sabi ko at pumasok na ako sa kwarto ko.
"Cassy kinakausap pa kita!!" sigaw niya pero hindi ko nalang siya pinansin. Nahiga nalang ako, gusto kong magpahinga... Pagod na pagod na ako.
Jacob's POV
"Ma tulungan na po kita" sabi ko kay mama. May pwesto kasi kami sa palengke.
BINABASA MO ANG
JANEROME PLAYLIST
RandomMga iba't ibang kanta na gagawan ko ng story. All about JaneRome. Jane Oineza and Jerome Ponce. Love love! <3