Marry me

51 5 6
                                    

Andrew's POV



Papunta na ako sa bahay nila Olivia. Today is our 2nd Anniversary at ito na rin yung araw na matagal ko ng hinintay. Tinignan ko yung pasalubong ko sa kanya, siya si Andrea ang malaking teddy bear na gustong gusto ni Olivia. Hindi niya alam na binili ko ito para sa kanya. Pinangalanan ko itong Andrea dahil name ko at name ni Olivia na pinagsama. May dala rin akong chocolates dahil favorite niya ito. Matakaw rin yung girlfriend ko kaya dapat hindi ako maubusan ng pagkain. Haha



"Good morning po tita" bati ko sa mama niya saka ako nagmano.



"Good morning iho.. Mabuti pa at puntahan mo nalang siya sa kwwarto niya. Mukhang napagod siya sa trabaho kaya tulog pa" sabi sa akin ni tita kaya tumango nalang ako.



Papunta na sana ako sa kwarto niya ng harangin ako nung bunsong kapatid niya. He's so cute!! 



"Heeep! Stop!" sabi niya sa akin



"Hi cutie" bati ko sa kanya saka ko ginulo yung buhok niya



"Yo dude! Where's my chocolate?" tanong niya sa akin



"Here" nilabas ko yung chocolate na binilin niya "Ikaw ba naman makalimutan ko?" sabi ko sa kanya at nakipag apir naman siya



"Kaya gusto kita eh! Sige you may go" sabi niya sa akin 



"Oy bata anong sinasabi mo dyan?" tanong ng papa niya sa kanya



"Wala po pa" sagot niya saka tumakbo



"Good morning po tito" bati ko sa kanya. Tinignan lang niya ako. Kinabahan ako bigla.



"Bakit ganyan mukha mo? Wag kang kabahan sige puntahan mo na siya" sabi niya sa akin. Kaya nagmano na ako sa kanya at umalis na. Kinabahan ako dun ah.



Pagkapasok ko tulog na tulog pa rin siya. Nilapag ko yung teddy bear sa kama niya at nung medyo gumalaw na siya saka ako nagtago. Hindi rin nagtagal nagising na siya at nakita ko yung reaction niya nung nakita niya yung teddy bear.



"Maaa!!! Nagpunta po si Andrew?!!" sigaw niya habang may malaking ngiti sa kanyang mga labi.



"Oo!!!" narinig ko naman sigaw ng mama niya.

JANEROME PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon