Only Reminds Me Of You

13 2 0
                                    

3rd person's

"Ready na ba lahat?" tanong ni Zyan na abalang abala sa paghahanda ng surpresa nya sa pinakamamahal nyang girlfriend na si Chloe.

"Ready na boss. Sure akong matutuwa si Ate nyan. Dabest ka talaga kuya!" sabi ng nakababatang kapatid ni Chloe.

"Oh ano pa hinihintay mo mag ayos ka na din ng sarili mo para mamaya" sabi ni Zyan at agad naman sumunod ang bata.

Nasa hospital ngayon si Zyan para dalawin ang kanyang girlfriend na kasalukuyan nagpapagaling sa sakit na cancer.

Isa si Zyan sa mga dahilan kung bakit patuloy na lumalaban si Chloe.

"Hi babeee" bati ni Zyan pagkapasok na pagkapasok niya palang sa kwarto ni Chloe. Kiniss nya ito sa forehead at agad na umupo sa tabi nito.

"Bakit ngayon ka lang? Akala ko nakalimutan mo na kung anong meron ngayon eh" nagtatampong sabi ni Chloe.

"Pwede ba yun???" hinawakan ni Zyan yung kamay ni Chloe. Isang mahigpit na hawak. "Bakit ganun babe? Ikaw pa din yung pinaka magandang babae sa paningin ko?" sabi ni Zyan habang nakatitig sa kanyang girlfriend.

"Aish Zyan naman ehhh bumabawi ka lang!" sabi ni Chloe at agad naman pagkapula ng pisngi nito na halatang kinilig sa sinabi ni Zyan.

"Luh bawi ka dyan. Araw araw kita sasabihan nyan hanggang sa gumaling ka na talaga. Kaya ikaw bilisan mo na gumaling ha?"

"Opo boss"

Niyakap ni Zyan si Chloe dahil ayaw nyang makita siya nito na umiiyak.

"I love you Chloe koooo" sabi niya habang pinipigilan ang sarili na maluha.

"I love you moreee baby Zyan ko" ayaw na ayaw kasi ni Zyan na tinatawag siyang baby ni Chloe kaya lagi siyang inaasar nito. Wala na nagawa si Zyan kundi mapangiti nalang sa kakulitan ng girlfriend niya.

Fast forward na sa surpresang hinanda ni Zyan. Inihanda na ng mga nurse na kasabwat ni Zyan si Chloe kasama ang nakababatang kapatid nito.

"Ano nanaman ba gagawin sa katawan ko?" excited na tanong ni Chloe sa mga nurse.

"Basta" matipid na sagot sa kanya

"Ready ka na ba ate? Nurse pwede po ba ako na bahala kay ate?" tanong ng kapatid niya at agad naman tumango yung isa sa mga nurse na kasama nila.

Kita sa mukha ni Chloe na naguguluhan siya sa mga nangyayari. She has no idea about what is going to happen.

"Ate naaalala mo ba nung nililigawan ka palang ni kuya Zyan?" biglang tanong ng kapatid habang dinadala siya nito papunta sa rooftop.

"Oo naman fresh na fresh pa din sa alaala ko yun. Kung paano niya ako kulitin at isama sa favorite nyang place sa school namin. Ang--"

"Rooftop" sabay na sagot nila at nagulat naman si Chloe kung bakit yun alam ng kapatid niya at kung bakit sila papuntang rooftop.

Takot si Chloe sa madilim. Pinaka ayaw niya sa lahat ay yung lugar na madidilim.

"Bakit tayo nandito? Bumalik na tayo sa loob. Ang dilim" takot na sabi ni Chloe pero parang nawala na sa likod niya yung kapatid niya.

"Bryan sabi ko bumalik na tayo sa loob" naiinis na tawag niya sa kapatid niya pero di sya nito sinasagot.

Nagulat sya ng may tumulak sa wheelchair niya papunta sa gitna ng rooftop. Mas lalo siyang natakot kasi wala ni isang ilaw ang bukas. Naiyak nalang siya sa takot at naramdaman niyang may yumakap mula sa likod niya.

JANEROME PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon