KAPILTULO 9

352 0 0
                                    


Gabi sa isla at naging tahimik ang buong paligid. 



Mahina lamang ang pag-ihip ng hangin na nagpapagalaw sa mga dahon ng puno at bawat pagsayad ng tubig sa pampang ay waring lumilinis sa ilang kalat ng maputing buhangin. High Tide noon at kabilugan ng buwan. Marami ang mga nakasilip na bituin at paminsan-minsang dating ng bulalakaw dahil sa hindi maulap na panahon. Habang may nakatapis na kumot ay mararamdaman ni Cassie ang pagtayo ng kaniyang mga balahibo at makakarinig ng ungol sa pagkakatulog.

AHOOOOOH!

Gagalaw-galaw ang pilik mata at talukap ng mata ni Cassie sa pagkakatulog na magpapa-iba sa kanyang puwesto sa pagkakahiga hanggang makarinig muli ng ungol.

AHOOOOOH!

Dahil sa narinig ay magugulat itong gigising at mapapansin na wala sa kaniyang tabi ang binata.Natakot ito hanggang may maaninag na anino ng lalaking nakatuwad malapit sa dagat at lalapitan ito. Dahan-dahang pinuntahan ni Cassie ang lalaki at ito'y tinawag: KIER....

"Oh... ikaw pala, Cassie!",tawag ng lalaki sa kanya pagtayo nito

"Na... narinig mo rin ba?",tanong ni Cassie

"Ah... mga ungol!",sambit ni Kier, "Huwag kang matakot... nandito naman ako!"

Kinakabahang tititig ang babae sa kasama at yayakap dito ng mahigpit. Pagkaalis ng yakap ay may itataas na bagay ang lalaki at ihahanda ang ulo ng matanda.

"Ano ang mga iyan???",tanong ni Cassie pagkakita sa pares ng pangil na maliit na binutasan sa matabang parte at nilagyang ng taling bakal

"Mga napulot kong pangil sa kagubatan... pinakinis ko at nilagyan ng pampatigas na langis upang matagal mabulok", banggit ng lalaki sabay kuha ng magkabilang tainga ni Cassie at tatanggalin ang mga lumang hikaw upang isuot ang ginawa, "Lagi mong isuot upang lagi mo akong maalala"

Kakapain ng matanda ang mga bagong hikaw at ngingiti, "Para saan ang mga 'to?"

Itatapat ng lalaki ang kanyang mukha sa matanda at magwiwika, "Malalaman mo rin!".

Magtititigan sila sa isa't isa at walang anu-ano'y hahalikan ng isang beses ni Kier si Cassie sa labi. Mapapapikit si Cassie at unti-unting makadarama ng pagbabago sa sarili.

Pagbukas ng mga mata ni Cassie ay mapapansin niya ang pagkinis muli ng kaniyang balat... morena... mas malambot na mga hita... walang ugatin na mga paa at kamay... maliit na tiyan at mas lobong mga suso. Pagkapansin niya sa kaniyang mga balat ay sasadyain niyang hawakan ang wala nang kulubot na leeg at ang mas malinis na mukha. ANONG NANGYAYARI SA AKIN?


"Halika...",banggit ni Kier na mas ilalapit si Cassie sa malinaw na tubig na inaaninagan ng liwanag ng buwan at titingnan ni Cassie ang mukha... Ang mukha niyang mas bata sa kaniyang edad na disi-otso at mas maganda sa kaniyang inakala. Itinapon ni Kier sa dagat ang dating mga alahas ni Cassie. Bakas ang pagtataka at buong pagkamangha ni Cassie na sa likuran niya ay aakap si Kier at igagapos ang kaniyang tiyan. Isasandal din ni Kier ang baba sa balikat ng dalaga.

"Salamat Cassie at natagpuan ko sa iyo ang tunay na pag-aalaga at pagiging normal na tao...", banggit ni Kier, "Sana sa bagay na ito ay mapasaya ko ang katulad mo bago man tayo magkalayo"

"Ki...Kier...", mas kinakabahang sabi ng dalagang Cassie hanggang nakapikit na aamuyin ng lalaki ang leeg ng dalaga

"Cassie...sana ito na ang simula ng nais mong pagbabago sa buhay mo... Maligaya akong naging parte ako sa pagbabagong iyon... Mahal kita Cassie...",mas maamong banggit ni Kier sa dalaga hanggang sa tuluyang haharap si Cassie sa kaniya at hahawakan ang magkabilang pisngi ng lalaki. Tititigan ni Cassie ang makisig na itsura ng binata at hahalikan muli ito sa labi.

"Salamat Kier...", nakangiting sabi ni Cassie sa nalulungkot na binata nabiglang magpapaiba sa mas malakas na ihip ng hangin.


 Hahalik sa kamay ni Cassie si Kier at itatapat ang ilong sa dalaga. Ilang saglit na buntong-hininga nila ay maghahalikan muli ang dalawa... labi sa labi...Mas mainit ang mga halik na may romansa habang napapakapit si Cassie sa likurang ulo ng binata at sinusundan ng isa pa niyang palad ang linya ng spinal cord nito. Si Cassie na noo'y nakadamit pa ay pilit na itinataas ni Kier upang hubarin kasabay ng pang-ibaba ng dalaga. Babagsak sila sa buhanginan at bago pa man makahiga ng patihaya si Cassie ay tatanggalin ni Kier ang kaniyang kaisa-isang suot na short at dahan-dahang paiibabaw sa dalaga.



Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon