Alas Nuwebe ng gabi.
Ang buong bahay sa isang subdivision sa Ermita ay pinuno ng koloretes. Mula sa mahahalimuyak na bulaklak, mga matingkad na tela at mantel, kurba-kurbang kurtina, mga nagkikislapang ilaw sa mga halamanan, patag na bermuda, nagkakalampagang mamahaling kubyertos at plato, confetti, bubbles, small-sized pool para sa mga chikiting, neon lights, disco ball, mga panauhing naka-formal na damit hanggang sa mga nagseserve ng inumin na mga waiter. Isang gabing pinuno ng kasiyahan para sa lahat... isang gabi ng selebrasyon... isang gabi ng debut ng isang dalaga.
"Oh... handa na ba ang mga pagkain? Mga inumin? Mga bata okay ba sa labas? May kulang pa ba? Lahat ba ng bisita ay may mga upuan? Kumpleto na ba tayo? Puwede na bang magsimula?", diri-diretsong sambit ng isang sosyaling nanay sa loob ng bahay na pawang kinakabahan. Aawatin siya ng kausap na asawa.
"Hon... parang mas excited ka pa kaysa sa anak natin ah!"
"Huh?! Eh... siyempre naman nuh! Gusto kong maging espesyal ang gabing ito sa ating unica hija... Once in a lifetime lang ito eh!"
"Oo na Hon... I understood!", wika ng asawang lalaki na pilit pinapakalma ang maybahay, "Pero huwag naman masyadong OA... Relaks! Enjoy! Hindi lang naman ikaw ang excited dito... maging ang dalawa mo pang anak na lalaki"
Titingin ang mag-asawa sa may pintuan at mapapansin ang pag-halik sa pisngi ng dalawang lalaking mas batang magkapatid sa nakatalikod na dalagang naka-gown. Magtatawanan na lamang ang mag-asawa hanggang mag-ring ang cellphone ng babae.
"Yes???", sagot ng babae habang nakikinig sa kausap sa cellphone, "Okay... I got it! Punta kami diyan... wait!"
"Sino raw yun?", usisa ng asawang lalaki pagkababa ng asawa sa cellphone
"Sina Jascent at Kuya Raphael... wala raw kasi silang mapag-parkingan ng kanilang sasakyan sa labas, I'll check on it... baka ipasok na lang sa garahe sa likuran"
"Okay... Uhmm, samahan na rin kita!", wika ng lalaki sa asawa at iiwanan ang ilang mga tao sa ginagawang pagdiriwang.
Ang mga madla ay nagsimula na ring kumain habang wala pang programa. Ang ilang kabataan ay inumpisahan na rin ang pag-inom ng ilang wine upang magdagdag ng saya sa buong bahay. Walang masyadong kaulapan sa langit kaya't ang mga bituin ay kitang-kita. Mahangin... at may lamig...na siyang nagbibigay gana sa pinaka-garden nila. Ang magka-partner na Masters of Ceremonies ay inihahanda na rin ang entablado at mikropono upang sa anumang oras na simulan na ang programa ay madali na lamang sa kanila kasama ng pagkuha ng mga pangalan ng dumalo. Galing sa labas ay papasok sa pinaka-daanan sa hardin ang tatlong huling bisita na mauupo sa pinakaunahang linya hanggang sumenyas na ang ina na magsimula na sa selebrasyong ito.
"Isang magandang gabi sa ating lahat!!!", sabi ng lalaking emcee sa stage
"At magaganda rin ang mga ngiti na nakikita ko mula sa ating nagkikisigan at naggagandahang panauhin sa gabing ito... Bago po tayo magsimula ay magsiyuko po tayong lahat para sa ating Doxology", sabi ng babaeng emcee
Pagkatapos magdasal ay tuluyan nang sinimulan ang palatuntunan at ipinakilala ang may kaarawan sa gabing iyon... TIFFANY RAINE AYALDE!
Mula sa likod ng stage ay lalabas ang isang dalagang pulang-pula ang gown.Maputi at bagong derma. Ang mga kuko sa kamay at paa ay pinalinis din upang magmukhang bongga hanggang sa kaniyang kilos na pangdalaga. Mula sa kaniyang kinulot na buhok ay nakangiting pupunta sa entablado ang debutante habang alalay ng kaniyang dalawang kyut na mas nakababatang kapatid patungo sa kaniyang pinaka-upuan.
"Wow... napakaganda!", sabi ng lalaking emcee habang nakatitig sa dalaga at magsisipagpalakpakan ang buong inimbita
"Ayun... sa pagsisimula ng ating palatuntunan ay hahandugan po muna tayo ng isang awit mula sa kaniyang bestfriend sa elementary!"
BINABASA MO ANG
Ning Kalibutan
Hombres Lobo"Mag-ingat ka sa mga ungol na maririnig mo... Baka ikaw na ang susunod na biktimahin nito"