Mabilis na sumikat ang araw sa isla at ang mga puno ay nagsipagsibol na rin ng mga bagong tubong dahon at prutas.
Maagang iniwan ni Cassie ang kasama sa higaan upang sorpresahin ito sa paggising. Ilang saglit pa ay mahihimasmasan sa pagkakahimbing si Kier at tatayo ito upang puntahan ang nakatalikod na babaeng naghahanda ng mga pagkain sa mababaw na ginawang bilog na lamesa. Aakapin ni Kier ang babae mula sa likod at hahalikan ang leeg nito.
"Magandang Araw...magandang binibini...", wika ni Kier
"Uy! Mabuti at gising ka na! Heto at ipinaghanda na kita ng makakain... saluhan mo na ako!",banggit ni Cassie
"Mukha ngang masasarap ang mga ito...", wika ni Kier pagkakita sa iba't ibang putaheng handa ng binibini
"Siyempre... hinanap ko pa iyan sa gubat! Masarap iyan kasi niluto ko iyan para sa iyo!",banggit ni Cassie at tatabihan sa buhanginan ang kasama
"Pero...", wika ni Kier na aakbay sa binibini, "Wala nang mas sasarap pa sa iyo, mahal ko!", tititig sa mga mata si Kier kay Cassie at ilalapit ang mga labi sa labi ng babae nang biglang harangin ito ng babae ng hawak na inihaw na isda
"Oops! Gutom lang yan! Etooh!", kukuha ng pirasong balat na sunog ang babae at pilit na ipapasok sa bibig ni Kier. Tatama ito sa gilagid at dila ng lalaki at masusuka.
"Pwee! Ano ba iyan! Hindi ako kumakain ng sunog at nilutong isda...", wika ng lalaki ng may pagkunot sa mga noo
"Ay! Pasensiya... hindi ko kasi napansin kanina yan na bumagsak sa panggatong kaya nasunog masyado...", banggit ni Cassie at ihahain sa lalaki ang isa pang inihaw na isda, "Heto..."
"Ayaw ko nga sabi eh!",naiinis na wika ni Kier, "Sapat na ang mga prutas sa akin!".Kukunin ni Kier ang isang saging na saba sa gilid at ngingiti sa babae at magsisimulang saluhan ito.
Habang kumakain ay mapapansin sa tabi ni Cassie ang ilang bakas ng mga isinulat ni Kier sa buhanginan. "Nabanggit mo sa akin na lumaki ka sa kuweba at bundok...hindi ba mahirap ang ganun at paano ka natutong makapagsulat??? managalog?", tanong ng kumakain na babae
"Sa naging asawa ko...",malungkot na wika ni Kier, "Isa siyang guro. Puro kami mangmang noon sa aming baryo nang makilala ko siya at makasama sa aming kubo. Matiyaga at napaka-bait na tao... kagaya mo! Siya ang nagturo sa amin ng mga itinuturo sa lunsod. Siya ang pinaka-kayamanan namin noon at itinuring na hulog ng langit upang ang lahat ay mamuhay ng normal at makapagsabayan din sa mga taong nasa ordinaryong pamayanan..."
"Mukhang mahal na mahal mo ang taong iyon anuh..."
"Masaya akong kapiling siya... Masaya kaming lahat! Iyon bang buhay na akala mo ay wala nang pag-asa pero siya ang pumunan nun... Siya rin ang naglapit sa amin sa Diyos..."
"Eh... Nasaan na siya ngayon???", tanong ni Cassie na maiiwang tahimik ang kausap. Wala nang ibang babanggitin si Kier kundi pag-iling na lamang ng kaniyang ulo.
Pagkaligpit ng mga kinain ay sabay na susuong sa malamig na dagat ang dalawa. Magtatampisaw...maghahagisan ng tubig... maglalaro na parang mga bata at maghahabulan sa tabing isla. May dambuhalang bato rin sa gilid na kanilang pinag-tatagu-taguan at nagsasayawan sa may buhanginan habang karga ng lalaki ang kaniyang tinuturing na kasintahan. Sweet na sweet ang dalawa na madalas na maglaplapan kapag napapagod na. Sa pagbaba ng araw ay maiisipan ng dalawa na gumawa ng sand castle na gagawin nilang tulugan sa pagdilim ng langit.
"Cassie... anong itsura ng buhay sa Maynila?", tanong ni Kier kay Cassie na abala rin sa paggawa ng sand castle
"Ah! Ang Maynila...maraming gusali! Maraming tao! Maraming hanapbuhay kang matatagpuan doon..."
BINABASA MO ANG
Ning Kalibutan
Hombres Lobo"Mag-ingat ka sa mga ungol na maririnig mo... Baka ikaw na ang susunod na biktimahin nito"