KAPILTULO 35

335 0 0
                                    

First Day High.




Ang Unibersidad sa San Marcelino ay puno ng mga hindi naka-unipormeng estudyante. Ang kanilang Senior High ay nasa kabilang gusali ng ilang kolehiyong pinagsasanayan ng mga estudyanteng gumradweyt na sa hayskul. Malinis ang daan at maayos ang mga pasilidad gaya ng pagkakaroon ng Highly Accreditation status ng eskuwelahan sa iba't ibang pang-unibersidad na organisasyon. Naglipana rin ang mga guwardiya para sa mga nakakalusot na mapanakit na bagay at ilang natitiyempuhang alitan na agad namang pinapalabas ng unibersidad kung sakaling hindi maawat. Mayayabong din ang mga puno sa San Marcelino at ang lawak ay sapat lamang sa mga estudyanteng masugid na pumapasok sa klase. Ilang araw na lamang din at bubuksan na rin sa buong katauhan ng unibersidad ang bagong tayong "Centennial Tower" na lampas sa dalawampung palapag ang taas bilang pagpupugay sa ika-100 taon ng pagkakatatag ng naturang unibersidad. Bago makapasok sa geyt ay madaraanan muna ang maruming ilog sa likurang bahagi ng eskuwelahan at ang kalsadang halos bitak na rin dahil sa palagiang pagdaan ng mabibigat na trak ng mga kargamento.


Kasabay na pumasok ni Chela sina Alice, Bj at Loth na nagkita-kita muna sa may waiting shed at iprinesenta sa guwardiya ang temporary Id.Mamamangha sila sa bagong linis na mga pasilidad na hindi nila napansin noong enrolment dahil sa mga nagsisiksikang kabataan. Hahanapin din nila ang kanilang section sa 'Senior High Building' at papasok sa kuwartong naka-on ang aircon upang makapagsimula ng kanilang klase.

"Good Morning Grade 11 students!", bungad ng isang babaeng propesor sa pagpasok sa kuwarto at titingin sa lahat

"Good Morning din po Ma'am!", wika ng buong klase

Bago simulan ng propesor ang kaniyang pagtuturo ay magtatawag muna siya ng mga first names ng naka-enroll doon at magsusulat sa kaniyang whiteboard. Ilang saglit pa'y darating sa pintuan ang binatang matangos ang ilong na may bag at tatawag

"Ma'am... sorry I'm late! Hinanap ko pa kasi yung Room Number po!", banggit ng binatang pinagpapawisan sa may pintuan

"Hmm... it's okay! I hope this wouldn't be happen as always uh...", ng propesor

"Yes Ma'am!", nakangiting banggit ng binata na isasara ang pintuan at didiretso na sa nakitang bakanteng upuan sa katabi ni Chela. Titingnan ni Chela ang binata na pawang nakilala na at magtatanong sa kaniya.

"Hi! Wala pa bang nakaupo rito?", mahinang banggit ng binata na nakaupo na sa plastic na silya

"Wala...", sambit ni Chela, "Wala pa!"






Lunch Break at sa paglabas ng kuwarto ay siya ring paglabas ng ilang mga kaklase ni Chela. Naroroon ang maiingay na grupo nina Tiffy at Howie kasunod ng naka-sexy lookna Pietra na sa paglabas ay sobra ang paglalandi sa kaniyang kasintahang si Magnus. "Magnus!", sigaw ni Pietra na kukuha ng pansin kay Chela

"Tingnan mo ang dalawang iyon oh! Parang gustong makapag-motel agad sa unang araw ng pasukan... Haaaay! Mahaharot nga naman...", ani Bj na nakasimangot

"Huy! Tama na Ateng!", pigil ni Loth sa tabi, "Ang sabihin mo, naiinggit ka lang sa dalawang iyan kasi sweet sila sa isa't isa!"

"Oo nga Bj!... Sa sobrang sweet eh nilalanggam na ako! Weetwew!", wika ng matabang si Alice na makikitaan ni Bj ng antik sa kaniyang bunbunan

"Literally Girl... Nilalanggam ka na nga!", sabi ni Bj kay Loth

"Huh?! Anong pinagsasabi mong...", wika ni Alice na ngungusuan ni Bj sa kaniyang bunbunan at kakapain ito. Mahahawakan ni Alice ang buhay na antik at pagkakita sa mga mata ay mapapasigaw... AHHHH! Mandidiri ito at papagpagin ang buong damit na baka sakaling mayroong nakadikit na langgam pa. Makakatawag ito ng pansin sa iba at magsisipagngitian na lamang.


Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon