KAPILTULO 25

290 0 0
                                    

"Tignan mo ang mga larawan natin... Ipinost na pala agad ni Klarisa sa iyang Instamag!",
wika ni Magnus habang ipinapatingin sa kasamang si Fred ang cellphone. Naglalakad sila sa daan sa muling pagsikat ng araw.

"Wow! Mga mukhang artista pud tayo! Hindi malayong kunin tayong ekstra ba dun sa bagong teleseryeng inaabangan lagi ng madlang people ngayon", sambit ni Fred habang nakatingin sa mga pictures

"Ah... nabalitaan ko nga iyon, ang ha-hot nga ng mga eksenang 'passion of love' sa mga susunod na gabi eh... puro sunog! Haha!"

"Ay! Akala ko hot as in yung mga love scenes ng mga magkasintahan o mag-asawa", sambit ni Fred at tutuloy sa isang bakuran na madadaanan ang lumang fountain na wala nang tubig at malaking mansiyon. Kakatok si Magnus sa pintuan at mag-aayos ng sarili.

"Tao po!", wika ni Magnus habang isinusuksok ni Fred sa tenga ang kaniyang headset at makikinig sa mga downloaded niyang music, "Tao Po!"

Biglang gagalaw ang door knob ng pinto at magbubukas ito. Lalantad ang napakalinis na itsura ni Chela.

"Oh... kayo pala, pasok muna kayo!", bungad ni Chela na nakabihis na pang-alis

"Si... sige lang Chels, sinundo ka lang talaga namin para sabay-sabay na tayong magpa-clearance ng card sa adviser natin...", nakangiting wika ni Magnus at mapapansing iniyuyugyog ni Fred ang ulo sa naririnig sa headset

"Mao ra! Sige at tamang-tama... paalis na rin ako! Magpapaalam lang ako kina nanay...", dagdag ni Chela at mabilis na pupuntahan ang mga nag-aalmusal na kasama sa bahay sa may kusina upang magpaalam. Paglabas ni Chela ng kanilang pintuan ay mapapansin ni Magnus ang kaliwang tainga ng dalaga na pawang namumula bago sila magsimulang maglakad.

"Naunsa man ang imong tenga Chels?", usisa ni Magnus habang nakatingin kay Chela

"Ay! Eto, nangati nga siya kagabi eh! Pero kanina nung pagligo ko, sinabon ko nalang maigi para mawala yung katol..."

"Edi Wow... tara tena!", yaya ni Magnus kay Chela na sasabayan na rin ng kaibigang si Fred papunta sa sakayan ng traysikel

Walang mga nakaunipormeng estudyante sa hayskul dahil umpisa na rin ng kanilang bakasyon kasabay ng pagsasaayos ng mga requirements ng nagsipagtapos para sa kanilang mga career sa susunod na mga buwan. Naririyan din ang ilang mga motorsiklo at bisikleta na ipinarada sa ilalim ng mga puno. Ang mga guro ay diretso sa kani-kanilang mga table sa opisina upang asikasuhin ang mga papel na pinapatapos sa ilang estudyante at pumirma sa mga clearance na hinihingi ng mga ito.Kakakabit lamang ding maisaayos ang nasirang wifi connection sa kanilang computer rooms upang pakinabangan ng mga estudyante sa pasukan at ilan pang staffs ng paaralan.

Pagkatapos makapagpirma sa kanilang mga titser na nakita, pumunta naman sina Magnus, Chela at ilan pang naging kaklase sa malapit na kantina upang mag-recess sa kani-kanilang gastos. Oukupaduhin nila ang isang mahabang lamesa roon.

"I'm so excited... tuloy na tuloy na ang hul family namo na lumipat sa Cebu para makapag-aral didto!", sabi ni George na nakaupo habang akbay ang girlfriend

"Good for you Bro... basta huwag mo kaming kalilimutan kapag nandun ka na ah!", sabi ni Fred na kumakain ng cheese burger

"Don't worry... sasamahan ko itong si George dun at baka ang hinampak dayun makahanap ng iyang bag-ong bae... mahirap na!", wika ng girlfriend ni George at ishe-share sa boyfriend ang juice na may straw

"As if ipagpalit ka pa niyan sa iba... Eh parang mag-asawa na nga kayo sa ka-sweetan ninyo eh! 'Di ba Bro...", sabi ng chinitong si Gavin at titingin kay George, "Kapag kayo ang nagkatuluyan, dapat imbitado kining barkada ah?"

Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon