KAPILTULO 26

307 0 0
                                    

Gabi sa buong nayon at ang ilan ay nagsaboy ng asin at bawang sa paligid ng kanilang bahay proteksiyon sa pinaghihinalaan nilang halimaw.

Sa mansiyon ng mga Borile naman hinayaan nang matulog ni Cassie ang bunsong anak dahil sa pagkapagod nito. Mapapansin din niya ang drawer nito ng ilang litrato noong pagkabata ni Chela at ang kaisa-isang solo photo paper ni SAF Commander Raphael Borile III. Hahawakan ni Cassie ang parte ng mukha sa picture at dadalhin sa labas ng kuwarto ni Chela pagkapatay ng mga ilaw dito. Bababa si Cassie sa hagdan at makikita na nakaupo sa may salas ang anak na lalaki habang kumakain ng mansanas.

"Kumusta si Carmen?", tanong ni Cassie sa anak

"Ayun... binubusog ko sa tulog! Ang sabi ko naman kasi sa kanya eh bumalik na lang sa kanila at doon niya isilang ang anak niya... ayaw naman!",wika ni Sebastian

"Ano??? Baka mahirapan siya sa panganganak niyan! Dapat ay sinasamahan mo sa paglalakad-lakad sa may labasan..."

"Dili na importante... wala na rin akong pakialam sa isisilang niya kung gagawin ko lang din namang pagkain yun pagkatapos niya ipanganak...",wika ni Sebastian. Dahil sa bastos na narinig ni Cassie ay sasampalin niya ang anak sa pisngi

"Anak mo yun!!!", sambit ni Cassie

"Hindi nay... Anak yun ni Rey Butsoy!", wika ni Sebastian sa harap ng nagagalit na ina, "Ipinagtapat na sa akin ni Carmen ang iyang isturya... Bago pa naging kami ay may nangyari na sa kanila ng hambog na yun!"

"Hah??? At pinatay mo si Rey..."

"Yun ang gusto ni Carmen... ang mawala sa buhay niya si Rey at bumuo kami ng pamilya na kaming dalawa... walang mga magulang niya... walang Rey Butsoy"

"At bakit mo hinahayaang mangyari ang lahat ng ito? Bakit mo sinusunod si Carmen na hindi mo man lang ipinapaalam din sa akin?"

"Nay... gihigugma ko si Carmen, Mahal na mahal! Pero sa tuwing maaalala ko ang nakaraang pakikipagrelasyon ni Carmen kay Rey... buwisit na buwisit ako! Nakakalimutan kong maging normal na tao!"

"Anak...wala namang masama kung mamahalin mo si Carmen at aalagaan ang panganay niya, huwag mo lang sanaying magbago ng anyo lalo na kung talagang sukdulan na ang galit sa puso mo..."

"Naku nay... hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang pigilan... Kung nabubuhay lang ngayon si tatay...", malungkot na wika ni Sebastian na sa paglapit ng ina ay siya namang pagbukas ng pintuan at lalantad ang pawis na pawis na si Sabrina

"Oh... anong drama ninyong mag-ina diyan?", tanong ni Sabrina na pupunta sa matandang ina at magmamano rito

"Eto kasing si Baste... laging naaalala ang tatay niya tuwing may problema", sambit ni Cassie na hawak pa rin ang litratong nakuha sa kuwarto ni Chela, "Ikaw anak... kumusta ang lakad mo? Mukhang pagud na pagod ka ah"

"Ayun nay! Kapoy! Galing ako kina Lory at nagtanong tungkol sa pwede nating upahang bahay at yung kabilang kuwarto nila eh sakto na sa ating loma!", ani Sabrina

"Ganun ba? Maganda...", masayang sambit ng ina

"Oo nay kaso may nakatira pa rin 'gang ngayon pero aalis na rin daw sa susunod na linggo kaya puwede na tayong lumipat dun kapag naka-larga na sila! Magbigay na lang daw tayo-a ng down payment sa nagpapaupa",sabi ni Sabrina sa nanay. Mapapansin nito ang hawak ng nanay na larawan.

"Naku...nakakahiya naman pala kina Lory. Hayaan mo at manghihiram din ako ng pang-down payment natin sa mga kapitbahay..."

"Nay... ano iyang hawak nimo?", usisa ni Sabrina

"Ay... yung nakita kong larawan ni Raphael, nailagay ko pala sa kuwarto ni Chela", wika ni Cassie

Tatapusin ni Sebastian ang kinakaing mansanas at sisingit sa usapan, "Hanggang ngayon ay inaalala mo pa rin pala siya"

Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon