KAPILTULO 10

377 0 0
                                    

Mula sa pagkakatulog ay imumulat ni Cassie ang mata at mapapansin na siya ay walang mga saplot at kumot lamang ang nakatakip. Nanibago rin siya nang makita ang pagbabago sa bahaging pagitan ng kaniyang mga singit. Mabilis na babangon si Cassie sa higaan sa ilalim ng puno at magbibihis ng damit upang tumungo sa tabing dagat. Sa malinis na tubig susubukan niyang manalamin hanggang siya ay mapapatili...

AHHHHHH!

"Oh!Cassie!", sambit ni Kier na short lamang ang suot at wala nang telang nakatakip sa sugat, "Bakit???". 

Kakapit ito kay Cassie mula sa likuran.

"Naging bata ulit ako??? Ibig sabihin yung kagabi???", wika ni Cassie nahaharap sa binata. Ang kaniyang boses ay magiging disiotso na rin.

"Oh? Anong kagabi???", tanong ni Kier

"Hindi yun panaginip???"

"Haaaah?!",dugtong ni Kier

"Yung...yung... yung ano!", naguguluhang wika ni Cassie na titingin sa inaapakan

"Alam mo... gutom lang iyan! Tara na nga at kumain ka na... baka lalo ka pang mabaliw diyan sa kaka-yung mo!", sambit ni Kier at aalis sa eksena. Maiiwang mag-isa si Cassie na nakatulala sa tabing dagat. Titingin sa asul na kaulapan at susunod sa kasama.





Magkaharap na nakaupo sa ilalim ng malapad na dahon si Kier at sasabayang kumain si Cassie ng iba't ibang klase ng putahe habang mausok na iniwanang ulingan sa katabing gilid.

"Hindi ako makapaniwala! Bumalik ako sa pagiging tinedyer?", tanong ni Cassie na inuna ang pagkain ng inihaw na tilapia

"Alam mo Cassie...", sambit ni Kier na kumakain ng biniyak niyang buko, "Ganun din noong unang nangyari iyan sa akin... Matanda na rin talaga ako pero hindi ko na naramdaman na lalo pa akong tumatanda dahil sa naging sobrang bata pa rin ako. Ewan ko! Baka dahil na rin sa pamumuhay nang malayo sa nayon... malayo sa mga gusali"

"Ano???Pero hindi ko pa rin alam kung bakit!"

"Hindi ba sinabi mong gusto mong maging masaya muli? Iyong ibalik ang dating ikaw???"

"Pero...hindi yung talagang itsura ko dati!"

"Nangyari na Cassie!", mabilis na sambit ni Kier sa dalaga, "Kasi nga may paniniwala ka sa puso at isip mo!"



Mapapaisip pa rin si Cassie.

"At manalig ka lang na may mga bagay sa mundo na posible... at magkakatotoo talaga ang mga ito..."

"Posible???",tanong ni Cassie sa sarili at ibabalik ang mga nangyari kagabi, "Eh yung sa ating dalawa? Pagkatapos mong isuot ang dalawang hikaw na ginawa mo sa akin... Yung tayong dalawa...", bubulong ito sa binata, "Nakita mo yung... ano ko???"

Mapapadura si Kier sa malapit at tatawa, "Hahahaha! Kung ano man ang dumi ng utak mo ngayon Cassie... alam mo, ikain mo na lang iyan! Masyado kang nagutom sa panaginip mo!". Iinumin ni Kier ang ilang tubig sa bungang buko at tatayo. Aalis siya sa kinakainan ni Cassie at iiwanan ng ngiti ang dalaga sa pagtalikod nito. Pupuntahan niya ang tinatapos na balsa habang may lilim mula sa katabing puno.







Lampas tanghali na at nanatiling kalmado ang dagat. Niligpit na isa-isa ng bagong anyong si Cassie ang kaniyang mga gamit na dadalhin pagpunta sa kabilang isla. Naroroon pa rin ang mga hindi pa nagagalaw na munting salapi sa kaniyang pitaka at ilang damit na pinatuyo pagkatapos labhan. Tumingin sa paligid si Cassie at sinariwa ang ilang mga sandali sa naturang isla. Tatayo... at sasabay ang lumakad ni Kier.

"Cassie...Handa ka na?", tanong ni Kier sa babae habang bitbit nito ang bagahe

Tatango si Cassie at pupunta sa balsa.



"Ikumusta mo na lang ako sa mga taga-Bayan... Nawa'y matagpuan mo ang mas matiwasay na buhay roon...", wika ni Kier

"Sigurado ka bang hindi sasama sa akin???", sambit ni Cassie

"Sinabi ko na sa iyong mas masaya na ako sa buhay sa kagubatan malayo sa ibang tao... Kaya ko na ang sarili ko at masaya na rin akong minsan tayong nagkakilala"

"Magiging masaya ka pa rin ba kung mag-isa ka lang dito sa isla? Kausap ng mga ligaw na hayop at isda?"

"Kausap kita!", mabilis na wika ni Kier, "Kausap ko ang isip mo! Alam ko namang hindi mo ako kakalimutan hindi ba? Mahal kita Cassie bilang kaibigan ko..."

"Kier...",sambit ng babae at mapapatingin sa gumagaling na sugat sa dibdib ng binata. Hahawakan ito ni Cassie at magsasalita muli, "Ang mga sugat mo... mabuti at hindi na masyadong malala... Salamat kaibigan ah... Salamat Kier sa sandaling pinasaya mo ako..."

"Ako dapat ang magpasalamat sa iyo, magandang binibini...", wika ni Kier na kukunin ang isang kamay ni Cassie at hahagkan, "Kung wala ka rito noon... wala na rin ako ngayon. Sapat na sa akin na maramdamang binago mo ang dating ikaw sa ginagawa mong bagong simula ng iyong buhay"

Unti-unting mapapaluha si Cassie at magwiwika, "Hanggang sa muli nating pagkikita, Kier!", at sasakay na ng balsa ang babae at kukunin ang ibibigay ni Kier na sagwang galing sa sanga ng puno, "Mag-iingat ka rito!"





"Ikaw rin! Mag-iingat ka...",wika ni Kier, "Siya nga pala... maraming salamat dito!". At ituturo ni Kier ang suot na shorts na binigay na sa kanya ni Cassie. Ngingiti ang paluha nang si Cassie at tatalikod habang dahan-dahang lumalayo siya sa buhanginan. 

Habang nakaharang ng kaniyang dalawang palad ang bibig ni Kier ay muli itong sisigaw....

CASSIE!!!!!

Lilingon si Cassie sa kaibigan at hahabulin ito ni Kier na nasa mababaw pa na parte ng dagat. Kukunin ni Kier ang ulo ng noo'y nakaupong si Cassie at ito ay hahalikan sa labi. Malungkot man ay patuloy sa paglisan si Cassie at maiiwang kumakaway sa may dagat ang matangkad na si Kier. Habang hawak ang suot na mga hikaw na bigay ng lalaking naging kasama sa isla ay kakaway din dito ang dalaga at magsasagwan.

Malungkot na bumalik sa pahingahan sa ilalim ng puno ng niyog si Kier at kinapa ang dating sumasakit na panga. Nakatalikod sa dagat si Kier na nakatulala sa malayo at nakamasid sa mga puno. Kukunin niya sa tabi ang isang pinag-ipunan ng tubig mula sa balon at ito ay iinumin. Sa pagkainip ay kukuha siya ng patpat sa tabi at magsusulat sa buhanginan habang nakatalikod sa may dagat. Ilang sandali pa ay makakakita siya ng anino ng isang babae sa kaniyang likuran at ito ay lilingunin. Laking gulat niya nang makita ang babaeng pumukaw ng kaniyang atensiyon at bumighani sa kagandahang loob nito. Ang babaeng natutunan na rin niyang mahalin habang magkasamang nagkakaunawaan sa isla.

"Kier...",banggit ni Cassie

"Cas...Cassie!", masayang banggit ni Kier at yayakap ng mahigpit sa babae

"Bumalik ako para samahan ka rito!"

"Ha?Hindi ka na pupuntang Bayan?"

"Ayokong iwan ang lalaking may dahilan ng pagbabago sa aking buhay... ang lalaking tumulong sa akin... at ang lalaking...", banggit ni Cassie na nakatingin sa lalaki nang biglang mapapatingin din sa isinulat ni Kier sa buhanginan, "Nagmamahal sa akin!"

Magkakatitigan sila sa isa't isa... Lililim ang ulap sa matinding sikat ng araw at maghahalikan muli. Babagsak sila sa buhanginan at magsisiping. Ilang pulgada mula sa kanilang dalawa ang bag na dala ng babae at ang mga katagang:

KIER    <3     CASSIE

















Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon