Chapter 23
Dingdong!
Tok! Tok! Tok!
Dingdong!
Hmmmfff...aahhh! Ano ba yan inaantok pa ako eh wagas naman makadoorbell at katok.
Dingdong!
Tok! Tok! Tok!
"Sandali lang po."
Bumangon ako at isinuot ang maluwag na t-shirt dahil naka razorback sando lang ako. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang nilalang na nagwawala sa pagkatok.
"Miss Claire... May bisita po kayo sa lobby."
Tila si Manang yata ang kumakatok.
"Haaaaahhffff!" Ang laki ng hikab ko antok ng bongga.
"Magandang umaga Miss Claire. Pasensya po sa istorbo." Nakangiting bati ni Manang sa akin.
"Hello, magandang umaga din po. Ano po yon?"
"Nasa lobby po yong kaibigan niyong si Kate hinahanap po kayo."
"Ah sige po papuntahin niyo na lang po dito. Pasensya din po napasarap tulog ko kaya ang tagal kong nabuksan pintuan." Paliwanag ko kay Manang
"Ayos lang yon iha, aba eh kaganda mo pa rin pala ano kahit hindi magsuklay."
"Kayo talaga Manang binola niyo pa ako."
"Aba eh hindi ako marunong niyan iha. Yang pambobola. Oh siya papanhikin ko na dito ang kaibigan mo at maglilinis pa ako sa kwarto ng mga ibang tenant."
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Manang. Sa totoo lang kasi parang Nanay nanayan ko na siya dito. Madalas siya ang kakwentuhan ko kapag nagagawi siya sa unit ko at tipong maluwag ang oras ko. Minsan pinagluluto niya ako ng mainit na sopas kapag mataas ang lagnat ko at ipinagbabaon ng tuna sandwich kapag pumapasok ako. Napakamotherly niya talaga.
Namimiss ko tuloy sina Mom at Dad. Haayy...
Akmang hihilata pa sana ako sa sofa nang marinig ko ang katok sa pintuan uli.
"Bukas yan Kate pasok ka na."
Pagkabukas niya ng pintuan dali dali siyang lumapit sa akin.
"Claiiirreee! Namiss kita bruha ka." Sabay kiss at hug sa akin.
"Teka Kate di pa ako natotoothbrush at ligo hehe kagigising ko lang." Saka ako lumayo sa kanya.
"Ay ay ay?! Anong kaartehan yan Claire? Hindi ka naman mabaho eh. Anyways, mutikan na akong maburo sayo kakahintay sa baba." Reklamo niya.
"Bakit ba kasi nagpunta ka dito inaantok pa kaya ako istorbo ka alam mo yon?" Sabay talikod ko sa kanya para tunguhin ang fridge at kumuha ng maiinom.
"Ay grabe siya oh, ako na ang istorbo ngayon ha. Hellooo Claire baka sabihin ko sayo alas dose na kaya ng tanghali kanina pa kita tinatawagan sa phone mo di ka sumasagot kaya pinuntahan na lang kita dito." Bulyaw niya mula sa sala.
"Anong alas dose ka diyan hindi kaya noh. Ang aga pa kaya." Tumabi ako sa kanya at inabutan siya ng soda.
Pero pagkaupong pagkaupo ko. Niyugyog niya ako.
"Hoi hoiii!!! Gumising ka kaya! Tignan mo kaya orasan mo nang malaman mo kung anong oras na..."
Dinampot ko ang phone ko para silipin ang oras at napaawang na lang ang panga ko sa nakita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/20492987-288-k583874.jpg)
BINABASA MO ANG
Crossing the Limits (Lesbian Love)
RomanceSabi nila ang tunay na "Pag-big" yung hindi mo alam kung paano mo siya nagustuhan. Pero minamahal mo siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tanggap mo ang buong pagkatao niya, ang kanyang nakaraan at ang kanyang kasalukuyan. Hindi ba't napakasarap s...