Chapter 15

1.1K 25 5
                                    

Chapter 15

 

Malapit na ang Pasko at malamang busy kayong lahat kagaya ko hehe. Ngayon lang uli nakabalik kasi abala akong namamasko sa mga nagtatagong Ninong at Ninang ko ehh haha! Anyways, eto na yong update ko. Doon sa mga late kong narereplyan pasensya uli ha. Snail kasi ako mabagal umusad hehe. Para nga pala sa isang sikat na manunulat sa mundo ng watty ang kabanatang ito. Dahil magpapasko naman, ito na lang po ang alay ko sa mabait na taong tulad mo ----Ez (Letmebed1) Advanced Merry Christmas to all! ♥ :)

**************************************

Value and appreciate the people

Who sacrifice their “something” for you

Because maybe that “something”

Is their life’s  “Everything”...

 

Thanks for reading

© MissPhotographer

**************************************

Natapos din ang nakakapagod na araw sa trabaho at heto ako naglalakad papunta sa sakayan para makauwi na.  Pero kahit ganoon katambak yon trabaho parang ang light pa rin ng araw na ito at hindi ko pa rin mapigilang mapangiti sa loob loob ko dahil hindi ko inaakala na makakausap ko ang isang nilalang na gaya niya. Hindi ko hilig makipagusap sa taong hindi ko kakilala pero pagdating kay EJ para bang magaan siyang kausap.

“Beep! Beeep! Beeeeppp!”

“Anak ng tokwa! Ano ba nakakabingi wagas makabusina peste!”

Napagilid ako bigla sa walkway dahil sa eskandalosang busina na iyon. Tsk! Yabang! Kainis! Isang red Toyota Spyder na kotse ang pumagilid malapit sa kinaroroonan ko.

Nakayamot ang yabang talaga. Tss! Sabi ko sa isip isip ko.

“Claire! Halika na!” yan ang bumungad sa akin pagkatapat ko sa kotse na nakawindow down. Napataas ang kilay ko dahil si Memei lang pala na dali daling bumaba.

“Halika na hatid na kita sa inyo.”

“Tseh! Nakakainis ka, gusto mo ba kong patayin ng wala sa oras?Makaharurot at busina ka parang walang bukas!”

“Ohh buhay ka pa naman ahh? Hahahaha” Tara na nga, baka palayasin pa ako ng masungit na guard bawal magparking dito. Hinablot niya ako sa kamay at pinagbuksan ng pinto para makasakay ng maayos.

May pagkagentlewoman din pala ito kahit sa kaibigan lang. Sumabay na nga ako sa kanya tinatamad naman na din kasi akong maglakad.

“Kanino kotse ‘tong gamit mo? Nasaan yong iyo?”

 

“Ahhhh ehhh sa ano bagong GF ko ito. Nagpalit kami ehh naflat yon gulong ko kanina, ambigat mo kasi ehh. Hahaha”

 

“Ulol mabigat na ako sa lagay na yon? Ehh anong tawag mo sa sarili mo? Lumba lumba?” Pang-aasar ko sa kanya. Lokong toh, ang sexy ko kaya!

Crossing the Limits (Lesbian Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon