Chapter 12

1.2K 27 1
                                    

CHAPTER 12

Napatagal ang update ko pagpasensyahan niyo na medyo naging busy lang ako nitong nakaraang buwan eh. Alam niyo na kailangan kong mabuhay eh chos!

 Anyways, etong Chapter na ito ay para sa pinakamagaling magpakilig na author ng Tagalog GxG stories. At ang natatanging may “ONE MILLION READS” for tagalog Lesbian Romance category. (Yun ang alam ko huwag niyo ako kontrahin nyaha!). Walang iba kundi ang pinakamabait na taong kakilala ko si Ez (LETMEBED1) – Saludo ako sa’yo! Take Care :)

 

 

**********************************

In a Book, every story has an end

But in Life, every ending is a new beginning.

So whether you choose to move on

Or take chance in the unknown

Or stay behind or locked in the past,

And thinking of what could have been

Just keep in mind that Life goes on...

 

© MissPhotographer

***********************************

 

Nakasalubong ko naman papasok ng room ang humahangos na Tito ni Crystal. Napatitig siya sa akin at dali dali niya akong niyakap ng mahigpit kahit duguan ang damit ko. Alam niyang madalas ako ang kasama ni Crystal tuwing weekend sa condo pero wala itong ideya sa relasyon namin.

“Tito, hindi niya nakayanan. Wala na siya.” Hindi ito umimik pero ramdam na ramdam ko ang lungkot din niya dahil kagaya ko panay luha ang patuloy na umaagos sa mga pagmumukha namin. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nagpaalam. Sila na daw muna ang bahala sa pagaayos ng lahat. Hindi ko kayang manatili sa loob ng Hospital na iyon kaya mabilis kong tinungo ang exit papuntang parking area. Hindi na ako nagpaalam kina Lori at Arvin pero nakabantay pala sila sa kilos ko kaya napansin nila agad ang pag-alis ko.

“EJ, hintay! Saan ka pupunta? Ipagdadrive ka na lang ni Arvin” Sigaw ni Lori pero hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang makarating sa parking area. Nagulat ako dahil may biglang humawak sa kamay ko noong bubuksan ko na pintuan ng kotse ko.

“Let me drive you home, EJ please?” Si Arvin na bakas sa pagmumukha niya ang pag-aalala sa akin. Hindi ko siya nilingon pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit na siyang dahilan kaya hindi ako makakilos. Naabutan kami ni Lori sa ganoong posisyon. Pilit kong kumakawala kay Arvin pero sadyang malakas ito.

“EJ, pakakawalan ka lang ni Arvin kung siya ang magdadrive sa’yo pauwi. Baka kung mapaano ka pa.” Sigaw ni Lori. Hindi ako makaimik dahil aalis ako para hindi umuwi kundi gusto kong mapagisa.

“Okay, fine… Let me go Arvin. Salamat sa pag-aalala niyo. Sige na ipagdrive niyo na ako.” Mahinahon kong sagot.

Pinindot ko na yung button ng auto-door unlock ng kotse at papunta sa kabilang passenger side door si Arvin para pagbuksan ako. Kaya sinamantala kong pumasok agad sa loob ng kotse noong makalayo siya sa akin at saka ko pinindot uli yung auto-locked door. Napakamot ng ulo ang dalawa at pilit nila akong kinakatok sa window. Ibinaba ko ang window ng bahagya para sabihing okay lang ako.

Crossing the Limits (Lesbian Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon