Chapter 16
Eto lang muna ang update ko sa ngayon. Sobrang busy ko kasi ngayon at malamang few days from now mawawala ako sa kabihasnan. Kaya maghintay ang mga makapaghinihintay hehehe. Sanay ako maghintay kayo ba? Haha! Anyways, thank you ulit at doon sa mga nagtatanong sa tanong na hindi ko masagot ehh sana maintindihan niyo po na hindi ko siya masagot. Ha? Ano raw? Pasensiya na may topak lang bahala nap o kayo umintindi. Nyehe! ♥:)
**************************************
You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you...
Hope you enjoy reading ♥
© MissPhotographer
**************************************
Dumating ang ikalawang araw para sa soul searching na pakana nina Lori at Arvin. At heto sa baywalk pa rin kami pero sa naiibang pwesto na at sa may matao kung saan may nagpeperform din na parang mini banda. Mabuti na lang at sari saring tao ang pwede dito. Tipong pantay pantay ang antas ng lahat at samo’t saring klaseng tao kaya doble ingat din kami. Nakakalungkot lang dahil naiba ang plano ni Lori imbes na isang linggo eh tatlong araw na lang daw ang maximum kasi may business travel out of country si Arvin at hindi kami masasamahan.
Dahil nagmamadali kaming tumungo dito eh hindi na kami nakapagmeryenda gawa ng sobrang busy din namin sa trabaho. Kaya eto gutom ako at nagkecrave sa fries ng KFC. Kaya naisipan kong iyon ang gawin kong “sign” for the second day. Ayos babaeng pulubi ang disguise ko ngayon at tumabi ako sa mga bulag na nagigitara para naman hindi ako antukin at maaliw ng kahit kaunti. Nakapwesto na din dalawa kong mapag-uto na kaibigan. Ewan ko ba lagi nila akong nauuto sa mga trip nila.
Lumipas ang halos kwarenta minutos wala pa rin yong aking sign. Kumakalam na ang sikmura ko at parang gusto ko ng patusin yon ensaymada non lalaking bulag na katabi ko. Mukhang ang sarap eh. Maraming cheese sa ibabaw iyon pa naman ang paborito ko makeso. Pero hindi pupwede kasi makakabili naman ako non mamaya eh sila hindi na. Kaya lunok laway na lamang ako at may mga nakakasilaw na legs akong nakikita pero hanggang doon lang kasi hindi ko pwedeng iangat pagmumukha ko. Mabuti na lamang at magaling tumugtog at kumanta etong mga bulag na katabi ko. Gusto ko sanang tanungin kung nagpapanggap din ba sila kasi puro mga bagong kanta tinutugtog nila eh. Hahaha naisip ko lang din baka katulad ko din sila .
Malapit ng magdalawang oras pero wala pa rin yong KFC fries ko. Hayy mukhang bigo yata ako sa araw na ito. Napapapikit na ang mata ko sa sobrang antok at gutom. Kaya bahagya akong pumikit muna saglit at sa isip ko sinasabayan ko yong “All of Me” na tinutugtog ng mga katabi ko. Nakakaaliw ang ganda talaga sa pandinig. Nong matapos ang kanta laking gulat ko na may naglapag ng bucket of fries ng KFC sa harapan ko. Paniguradong sa akin iyon inilapag dahil sa tabi ng lata ng mga barya ko. Nagising ang diwa ko at tiningnan ko ang timer ko, 2 minutes before end of the 2 hours time frame!
Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko. Yong tayong ang lakas lakas ko dahil gusto kong hanapin yong taong naglapag non. Kaso hindi ko mahagilap sa dami na ng tao at madilim na ang paligid. Dahan dahan kong dinampot ang mga props ko pati na yon bucket of fries ng KFC at tinungo ang kinaroroonan ni Lori.
BINABASA MO ANG
Crossing the Limits (Lesbian Love)
RomansaSabi nila ang tunay na "Pag-big" yung hindi mo alam kung paano mo siya nagustuhan. Pero minamahal mo siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tanggap mo ang buong pagkatao niya, ang kanyang nakaraan at ang kanyang kasalukuyan. Hindi ba't napakasarap s...