Chapter 11

989 30 13
                                    

Chapter 11

A/N:

 

Maaga na akong mag aupdate ngayon dahil magiging busy ako this week or baka maisipan kong rumampa sa kung saan kaya magpapamiss muna ako kay Watty chos!

Sa mga nagbabasa netong story ko ngayon maraming salamat talaga. Saka sa mga nagsesend ng PM naappreciate ko po ng sobra... Pasensiya uli kung delayed pagrereply ko nyehe minsan busy as a bee ang inyong lingkod eh.

Sa next update soon eh POV ni EJ at Claire.

 

P.S: Congratulations nga pala sa napaka............Bait kong kaibigan na si Ez (Letmebed1) for achieving another ONE MILLION READS today sa story niya “FLARES OF DAWN” @3:12PM today. Ohh yung mga followers niya diyan, basa basa na pag may time. Maga-update na yan Ahehehe!

 

**************************************

Hope you enjoy reading :)

© MissPhotographer

**************************************

 

 

Naramdaman kong parang may gumigising sa akin. Minulat ko unti unti ang mata ko at tila naaninag ko ang pagmumukha ni Lori. Kinurap kurap ko mata ko at bigla akong yumakap ng mahigpit sa kanya.

“Lori, ang sama ng panaginip ko. Nanaginip ako...Si Crystal.... Lori si Crystal.... Na----“ Hindi ko maituloy yung sasabihin ko dahil nakaramdam na naman ako ng paninikip ng dibdib at kusang dumaloy ang mga luha ko sa mata ko.

“Shhh... EJ.... Tahan na... Andito na ako. Lakasan mo loob mo EJ. Dahil ang totoo hindi ka nananaginip.”

Sa narinig kong iyon, tila nagsummersault ang utak ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at pinagmasdan ko ang paligid. Tama hindi ito panaginip dahil naaalala ko na. Oo naaalala ko na nagpunta ako dito.....sa hospital. Nakita ko yung police officer, yung babae sa information desk kanina at ngayon naman may doctor na? Natigilan ako sa pag-iyak at hinarap si Lori.

“Kanina pa ba ako tulog ha Lori?”

 

“Hindi naman mga sampung minuto pa lang, nawalan ka raw ng malay sabi ni Chief habang kausap ka kanina. Kaya hindi ito panaginip EJ.”

Oo nga tama si Lori. Dahil nakita ko ang hawak kong mga gamit ni Crystal kaya tumayo ako at kinausap yung Doktor na kinakausap yung babaeng sumama sa akin kanina sa information desk.

“Excuse me po. Ahh Doc, kaibigan po ako nung naaksidenteng pasyente, si Crystal Arteaga po. Kamusta po ang lagay niya?” Kabado kong tanong

“Ahh Miss, I’m sorry to inform you pero hindi na umabot ng---“ Hindi ko na pinatapos si Doc nung marinig ko ang salitang hindi na umabot. Hinawakan ko sa magkabilang braso si Doc, nagmamakaawa na kung pwede i-check uli yung pasyente or magmilagro na buhayin gamit ng kung anong apparatus na pampabalik ng tibok ng puso. Tahimik lang na nakatitig sa akin si Doc, bakas sa pagmumukha niya ang pagkaaburido din. Siguro dahil sa kalagayan ko na sobrang wasted, taranta at mangiyak ngiyak. Desperada kumbaga. Hindi ko kayang wala si Crystal. Magmukha man akong tanga ngayon wala akong pakialam kung may paraan para maibalik siya gagawin ko lahat lahat.

Crossing the Limits (Lesbian Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon