Chapter 24

558 19 12
                                    

Chapter 24


Back to reality na after ng bakasyon. Aaminin kong bitin ang bakasyon. Maituturing kong isang magandang alaala ang karanasang makasama si EJ sa lugar na madalas kong puntahan lalo na kung gusto kong mapagisa o gusto kong umiwas sa stressful city.

Heto ako ngayon sa isang coffee shop sumaglit muna para matanggal ang antok. Dahil critical week ngayon sa Main office dito sa Makati ako pinaderetso ng boss ko. Maraming kailangang tapusin lalo na ang mga critical system reports at monitoring. Parte na ng buhay ko ang pagaanalyze ng mga data at pagbibigay ng security solutions sa malawak na saklaw ng IT Infrastructure. Kahit stressful nageenjoy naman ako kahit paano. Saka mabuti na rin iyon para hindi ko masyadong mamiss sina Mommy at Daddy.

Maraming taon na din ang lumipas noong huli ko silang nakasama. Nakakamiss. Parang gusto na lang tuloy magmuni muni kaysa magtrabaho. Haayy life!

"Uhm, excuse me. I think that's mine."

Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Pero impossible naman siguro yon. Hindi ko na lang binigyan ng pansin kaya sumubsob na lang ako sa table kung saan nakapatong ang kapeng inorder ko. Sobrang antok na antok pa talaga ang pakiramdam ko.

"Mukhang sobrang antok ka yata Miss?"

Saka ko naramdaman ang pagtapik sa balikat ko.

"Ano sa ti---"

Natigilan ako sa nakita kong nakatayo sa harapan ko.

"Eh? EJ?"

Kumurap kurap ako dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Hi! Yeah, its me. Ikaw pala yan Clarisse."

Si EJ na nakahoodies at earphones. Ang fresh ng itsura niya.

"Ahh a--ano uhm, ba't ka nandito?"

Nagtatakang tanong ko pero ngumuso nguso lang siya.

Lokong toh ah may panguso nguso pa siyang nalalaman bigla biglang sumusulpot dito. Ngumiti lang siya at saka mas lumapit pa sa kinauupuan ko.

"Alam mo parang nangyari na ito."

"Ang alin?"

"Etong scenario"

"Huh?"

Ngumiti lang siya ulit at saka ngumuso sa harapan ko. Di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

Anong scenario ba tinutukoy niya? Hindi kaya yong...Naisip ko agad yong scenario na bigla siyang sumulpot din sa harapan ko at...at...teka hindi maari. Hindi na ako papanakawan ng halik dito urghh! Kaya tumayo ako para maiusog ko ng bahagya ang silyang kinauupuan ko. Pero pinigilan niya agad ang akmang paghila ko ng silya.

"Ahh...Ba-bakit? A-anong meron?"

"Relax Clarisse, bakit parang balisa ka diyan. Are you okay?"

"Huh?Ah yes, I'm okay...its just that---"

Natigilan ako dahil hinawakan niya agad ang pisngi ko. Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko sa ginawa niyang iyon.

"Sure ka ayos ka lang?Eh ba't parang namumutla ka yata?"

Yumuko na lang ako dahil pakiramdam ko umiinit ang pisngi ko sa hiya at kaba. Di ko maipaliwanag nararamdaman ko. Dahil ba eto sa biglang pagsulpot niya at baka maulit na naman ang dati.

"Hey... Clarisse?"

Hinawakan niya ang kamay ko. At di na rin ako nakawala sa titig niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crossing the Limits (Lesbian Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon