CHAPTER 13
Binabagtas na namin ang kahabaan ng SCTEX ngayon at lahat ay punong puno pa ng energy pabalik ng Manila. Kung makakapagsalita lang ang kotse ni Zav malamang sinuway na kami o di kaya nagwalk out na sa ingay naming magbabarkada. Natapos ang dalawang araw na puno ng kasiyahan, adventure asaran at kung ano ano pa. Maya maya pa ay may parang kinukuha si Kate sa bag niya. Sa likuran ako nakaupo ngayon at katabi ko siya. Nakita kong pasulyap sulyap si Zav sa rear mirror tapos biglang ngingiti sa akin. Tss! Anong problema nito? Kung di ko lang ito kaibigan iisipin kong may pagnanasa sa akin. Isa pa itong si Xander na palingon lingon mula sa harapan na may nakakalokong ngiti din.
“Kate ilabas mo na dali, it’s time.” Narinig kong sabi ni Zav habang deretsong nakatingin sa daan.
“Yeahright, it’s showtime Kate, go go go!” Dagdag pa ni Xander. Huh? Ano kayang pinagsasabi ng mga ito, pagtataka ko. Kaya siniko ko si Memei.
“Hoyy anong meron? Anong showtime?” Lumabi lang siya at saka pinasadahan ng tingin ang dibdib ko. Tss! Manyakis talaga kaya ibinaling ko kay Kate ang tingin ko.
“Kate?” Kaso pinisil lang niya ang pisngi ko at sinabing “ang cute mo talaga Claire” Sasagot pa sana ako “Matagal na kong Cute” pero nakita kong inilabas ni Kate yung Microphone mula sa bag niya.
“Wooah?! Bakit niyo dala yan ha? Hindi ba’t sa cottage natin yan ginamit?” Nagtataka pa rin ako ano bang klaseng sapi ang mayroon sa mga ito. Mananahimik na sana ako pero parang may narinig akong nagpi-play at napatingin ako sa dashboard TV ng kotse. Kinalabit ako bigla ni Shem mula sa kanan at itinuro ng nguso niya yung sa dashboard
Video Playing:
“Ohh heto na ang pinakahuling moment of truth, Claire are you ready?”
“Yes, I am.”
“Single ka pa rin ba or taken na uli?”
“What the…next question please hahaha”
Bigla akong napalunok sa nakikita ko sa video, shocks bakit parang hindi ko yata maalala na may scenario na ganito kagabi. Pagkakatanda ko hindi naman ako ganoon nagpakalasing. Binigyan ko sila lahat ng “What’s Going On” look pero pareho lang ang mga tugon nila, isang nakakalokong ngiti.
“Wala madaya, hindi pwedeng next question. Lahat kami sumagot tapos ikaw hindi, woooooh! Sagutin na ang tanong! Sagutin na ang tanong!” – Pagchicheer pa nila.
“Dali na tawa ka ng tawa Claire, binibitin mo kami.” Si Xander na habang nilalaro yung baga sa bonfire
“Ayaw ba sagutin, gawin ng Lechon yan, isalang na sa bonfire!” Sigaw nila Yanni at Shem at pilit pa akong hinihila ng dalawa palapit sa bonfire.
Tarantado talaga itong mga ito. Anong ginawa nila sa akin at bakit hindi ko talaga maalala ito. Umayos ako ng upo at nangalumbaba na nakapatong sa tuhod ko ang braso ko deretsong nakatingin sa nagpi-play. Napansin kong dinampot ko ang isang bote ng beer, lumagok at saka nagsalita na parang maiiyak ang itsura ko dun sa video habang sila eh nakapalibot sa akin.

BINABASA MO ANG
Crossing the Limits (Lesbian Love)
RomanceSabi nila ang tunay na "Pag-big" yung hindi mo alam kung paano mo siya nagustuhan. Pero minamahal mo siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tanggap mo ang buong pagkatao niya, ang kanyang nakaraan at ang kanyang kasalukuyan. Hindi ba't napakasarap s...