Chapter 3

1.5K 40 1
                                    

Chapter 3

 

Natapos din kaming lumamon at ayun busog na busog. Akalain mong naubos namin yung pagkaing inorder niya sa isang upuan lang.  Niligpit ko na ang mga kalat at pinagkainan namin. Pero napansin kong tahimik lang si Kate. Kaya binato ko siya ng unan.

“Hoy, anong iniisip mo diyan? Para kang di nasiyahan sa kinain natin ahh?!”

Pero isang pilit na ngiti lang ang itinugon ni Kate sa akin. Parang may nasesense ako talaga sa kanya. Hindi kaya dahil sa phone niya na kinuha ko, hmmm maibalik ko na nga baka yun nga ikinasisimangot nito.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at sabay inilabas ko yung phone niya sa drawer. Tiningnan lang niya ako pero ang ineexpect ko eh mapangiti na siya, ngunit hindi poker face pa din.

“Ohh eto na yung phone mo, I’m sorry sa ginawa ko. Huwag ka nang sumimangot diyan. Para kang bipolar eh, kanina ang saya saya mo tapos ngayon ---“

“Hindi, ayos lang ako wala sa akin yun sanay na ako sa kasutilan mo noh.” Kinuha niya yung phone sa akin pero pinakikiramdaman ko siya.

“Ano may texts/missed calls ba from Jake?” Tawagan ko siya ako na mageexplain. Huwag lang kayo magaway.”

 

“Hayaan mo na, wala naman siyang texts or tawag ngayon kaya wala ka dapat i-explain sa kanya.”

 

“Kate? Yung totoo, may problema ba? Andito ako para sayo, handa ako makinig.” Sinasabi ko na nga ba, tama ang hinala ko. Mukhang may pinagdadaanan din ang kaibigan ko. Madali ako makaramdam kung may problema or mali sa mga kaibigan ko. Kaya madalas nasasabihan akong mind reader. Eh hindi naman. Ramdam ko lang talaga, tamang hinala kumbaga.

 

“Haayy Clarisse Anderson! Bakit ba ganyan ka, lagi mo na lang iniisip ang iba kaysa sa sarili mo? Ikaw nga itong mas may mabigat napinagdadaanan eh, kumpara sa akin. Kaya huwag mo na muna akong alalahanin.”

 

“Ohh okay, so tama nga ako. Ramdam ko Kate kahit hindi ka magsalita.”

 

Nabalot kami ng katahimikan at walang gustong magsalita pa. Nakakabingi ang ganito kaya tumayo ako at pumunta sa dining. Nagisip ako kung paano ko babasagin ang namuong katahimikan ngayon. Kaya kinuha ko ang isang bottle ng Lady’s drink, wine glass na dalawa at ice. Napansin niya agad ang dala ko papunta sa kanya.

“Ohh ano yan?” – si Kate

“Ahh ano, Ahh... Isang Lady’s drink wine, ice at dalawang wine glass???” –sabay ngiti ko sa kanya

“Tarantado ka talaga, alam ko kung anong tawag diyan! Ibig kong sabihin anong meron?”

 

NagPeace sign ako sa kanya sabay tawa.

“Wala naman gusto ko lang makatulog agad pag natapos na tayong magkwentuhan. Deal?”

Tumango na lang siya at sabay ngumiti. Yung ngiting hindi pilit. Mukhang mahabang usapan ang magaganap ngayong gabi. Umupo ako sa tabi niya at nilagyan ko na ng wine yung glass. Iniabot ko sa kanya at seryoso akong tumitig sa kanya.

Crossing the Limits (Lesbian Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon