Chapter 2

1.7K 43 0
                                    

Chapter 2

 

Nakaupo ako ngayon dito sa sofa at hinihintay ang pagdating ni Kate. Sigurado naman akong alam niyang puntahan itong place ko dahil halos hindi nagkakalayo ang apartment na tinirahan ko dati kasama siya at si Zheil. Dinampot ko ang phone ko uli para magsounds. Parang feel ko mag FM radio kaysa sa music playlists ko sa laptop. Nagtune in ako sa favorite FM station ko 96.3 Easy Rock Manila.

Playing:

You might say that it's over

 You might say that you don't care

 You might say you don't miss me

 You don't need me

 But I know that you do

 And I feel that you do inside

Love takes time

 To heal when you're hurting so much

 

Nageemote na ako nang biglang may nagdoorbell sa unit ko. Naisip ko baka si Kate na iyon. Tumayo ako at dali dali kong binuksan pero si Manang pala, yung katiwala ng building.

“Hello po, magandang gabi. Ano po yun?”

 

“Ahh Ms. Claire may bisita po kayo sa lobby, Kate Milan ang pangalan”

 

“Ayy, sige po ako na po ang bahala. Puntahan ko na lang po siya sa baba. Maraming salamat po.”

 

Tinungo ko na ang lobby agad baka mainip si Kate. Mabilisang pagbaba ang ginawa ko mula second floor. Pagdating sa lobby, hinihingal ako at sabay ngiti kay Kate.

“Baliw! Hindi ka pa din nagbago Claire, tinakbo mo na naman yung hagdan ano?”

 

“Ahh, ehh ganun na nga! “ Sabay tawa ko ng malakas.

 

“I miss you Kate!” – Niyakap ko siya agad sa sobrang pagkamiss ko sa kaibigan ko.

“I miss you din makulit na Claire! Teka, tama na di ako makahinga ang higpit ng pagkakayakap mo uy!”

 

Napangisi ako sa kanya. “Tseh! Ang arte mo, ikaw na nga namiss eh, nasaan na pala pagkain naten?”

 

“Ang alin, yung Ampalaya? Eh kaharap ko na kaya yung ampalayang nagsasalita, ano pang hinahanap mo?”

 

“Siraulo ka Kate umayos ka, baka gusto mong padeport kita sa pinanggalingan mo! Hahaha Kuya guard next time, huwag niyo na po papasukin ang mga siraulo dito ha?” –Napangiti na lang si kuya guard sa lobby sa kulitan naming  dalawa ni Kate

“Subukan mo lang at idadial ko ngayon din ang number ni Zheil, teka lang ha 090552—“

Crossing the Limits (Lesbian Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon