Neophilia (short story)

6.1K 98 12
                                    

SHORT STORY. SOON.

{ P R O L O G U E }


Malaki ang pinagkaiba namin ng ate ko. Kung ibabase mo ang buhay namin sa society na meron sa ibang bansa, siguro nasa popular category si ate Red habang ako naman eh nakahanay sa average category.

Gets naman siguro ng lahat kung anong meron sa popular category na sinasabi nila. Yung mga traits na: maganda, matangkad, payat, mahaba ang buhok, party animal, maganda manamit at marami pang iba.

As for the average, alam na rin nating lahat yan. In short, hindi kapansin-pansin. Basta nag-eexist ka lang sa mundong ibabaw at ginagawa mo ang dapat mong ginagawa. Yun lang. At dun yata ako nangingibabaw.

Sa laki ng pinagkakaiba namin, hindi na rin namin maiwasan ang pagtutol sa isa't-isa. May kanya-kanya na kaming kagustuhan. Gusto nya ng make up, gusto ko ng arm bands. Gusto nya blouse, gusto ko tshirt. Gusto nya ang mga kanta ni Taylor Swift, gusto ko yung mga kanta ng All Time Low.

At higit sa lahat: Gusto nya si Adam Fletch (yung FilAm na kabatch nya), gusto ko naman ang bestfriend nya.


Si Jerich Devin Punzalan. 'JP' kung tawagin.

Ang masaklap nga lang, matagal ko nang alam na patay na patay si kuya JP kay ate Red. Paano ko nalaman? Minsan na akong isama ni kuya JP sa mga plano nya para kay ate Red. Ako naman itong si tanga, sumasama naman para makasama lang siya.

Napaka-pathetic, ano?

Kaya dahil sa malaking pagkakaiba namin ni ate Red, hindi ko maiwasang mainggit sa kanya. Bakit pa kasi ako hindi naging maganda katulad niya?

NeophiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon