Author's note: Actually, naisip ko na ito bago pa lumabas si Joaquin (Got to Believe) na nakalimot or chuchu simula nung naoperahan siya. Forgive me kung aakalain niyong wala akong originality sa kwento. Anyhow, isusulat ko pa rin ito kung sa ayaw at sa gusto niyo, kaya sa mga taong sasabihan ako ng 'second rate, trying hard, copycat, (tama ba?)' sinasabihan ko na kayong huwag mabasa ^^
NEOPHILIA 19:
PART TWO
<after 3 years>
"You know, why don't you join us? Katherine's private resort. 6 pm," katabi ko si Ellan, brunette, honey brown ang mata, perfectly tanned, matangkad, makikita mong Amerikanang-amerikana. Sa hugis pa lang ng mukha, ilong at ng jawline niya. Hindi ko maiwasang ma-insecure kapag ganito kaganda ang lagi kong kasama.
Nag-pout ako sa kaniya, "Ellan, I told you..." napangisi siya pero hindi ko pinansin ang reaksyon niya, "I have to finish this article first. Jorge and I have to go photo shooting with Amanda later on and... of course, I have to go home right away 'cause my boyfriend will take me to dinner tonight."
Ipinatong ni Ellan yung siko niya sa lamesa ko at lumapit ng kaunti sa akin, "Hey, you're getting serious with this guy. I thought you love me?"
Nararamdaman kong namumula ako sa sinabi niya, halatang kinikilig na ako panigurado. "Well, I do love you but I love him as well," lumapad yung ngiti na nasa mukha ko, tapos inkabayan ko si Ellan, "I'm sorry for having a lovelife,"
Bigla naman siyang napaatras nung sinabi ko yun sa kaniya, "Oh, how dare you say that. I may be single for 3 years straight but I know..." pinagduduro pa niya ako ng ballpen niya, "-that someone will come knocking on my door and kiss me, like he already found what he was looking for," sabi ni Ellan habang kumikislap kislap pa ang mata niya sa kakapantasya.
Binigyan ko naman siya ng mahinang tapik sa braso niya, "Just get out of here, I have to work!" sabi ko habang natawa. Umalis naman din kaagad si Ellan at iniwan na rin akong mag-isa. Kailangan ko na ring tapusin itong magazine layout na ginagawa ko. Mamaya na siya due kaya dapat maayos na ito.
Nagtatrabaho ako dito sa Elite, isang fashion company sa New York, as a layout editor ng pinapatakbo nilang magazine. Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya na narating ko ito after things went into... disaster. Pero sa tingin ko, blessing in disguise yun. Kasi kung hindi dahil sa aksidente na nangyari sa akin 3 years ago, baka hindi ako ngayon dito. Baka nasa Pilipinas pa rin ako and doing God-knows-what.
Although surviving that accident gave me a second chance, I lost some part of my memories and woke up only recognizing my parents, sister and the boy who I love so much. Siya pa nga ang una kong hinanap eh. For some reason, hindi ko rin naman kaagad ma-explain kung bakit siya yung lalaking mahal ko eh.. But it felt right, alam mo yun? Parang hindi ko na kailangan pang magtanong kung bakit ko siya mahal, at kung bakit ganun ang nararamdaman ko para sa kaniya. The only thing that I'm sure is, pagkagising ko, siya kaagad ang una kong naaalala. Feeling ko din na siya talaga ang mahal ko kahit noon pa. There's no rational explanation for it pero di na ako nag-abala.
Naalala ko pa yun, nung unang beses akong nagising sa hospital. Si mommy at si daddy nakayuko sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Si ate Red naman nakapikit na sa tapat ko, nakaupo sya sa sofa tapos may lalaki pang isa, hindi ko makilala. Tapos nung napadapo ang mata ko sa upuan na nasa kaliwa ko, nandun siya. Hindi siya natutulog, di katulad ng iba, nakayuko lang siya. Ang gulo-gulo na ng buhok niya. Napangiti ako nung nakita ko siya.
BINABASA MO ANG
Neophilia
Teen FictionAfter finding out that life has nothing to offer for her, King is about to face a love that will change her.