NEOPHILIA 6: TRANSFEREE
Let me tell you something about my friends. They're not exactly the party type, they are more like, I-should-study-because-seeing-my-name-in-the-Dean's-List-feels-good kind of thing. So yung kasabihang, 'tell me who your friends are and I will tell you who you are', eh na-aapply sa akin. Hindi naman ako yung todo bigay sa studies ko, basta ang mahalaga eh maipasa ko at nagagawa ko yung responsibilities ko.
In our batch sa Communication Arts, hindi ko man masasabi na yung grupo namin yung pinakamatalino pero sadyang kasama naman si Kim at Dana na palaging nasa top ranks ng first honors. Kaming apat naman nila Mayen, Mae at Lynet eh nadadamay na rin. Para bang domino effect. Kaya kapag mag-aaral si Kim at si Dana, susunod na kaming apat sa kanya. In result, lahat kami eh party-party sa listahan ng Dean's List.
Once I arrived at school, deretso na kaagad ako sa library. Nandun na rin si Mrs. Herrera, yung librarian namin. Like any typical librarian, masungit yan. Akala mo kung sinong espasol dahil napupuno na ng pulbos ang mukha. Tapos akala mo kung sinong TV personality ng Rejoice commercial sa sobrang haba ng hair. Nilagpasan ko lang si Mrs. Herrera at hindi binati, hindi kasi sya yung tipong tao na pwede mong batiin ng magandang umaga.
Pumuwesto na ako sa pinakadulo ng library. Ang mga upuan kasi dito eh per individual. Isang lamesa para sa isang katao lang. Tapos yung lamesa mo, may katapat pa na isa pang lamesa kaya kung may uupo man sa harapan mo, ka-face-to-face mo sya habang nag-aaral ka. Hindi naman masama na may kaharap ka kaso lang ang awkward ng pakiramdam.
Sa oras pa lang ng alas-nuwebe sa library, wala pa masyadong tao dyan kaya maluwag-luwag ang library. Nilabas ko na yung notebook ko saka isang yellow pad paper para ire-write yung mga sinulat kong notes. I was in the middle of writing when I heard Mayen's voice, "Uy, King!" tapos umupo sya sa harapan ko. "Anong inaaral mo?" tanong nya.
"Di ako nag-aaral! Nagre-rewrite ako," matipid kong sabi.
"Nag-aaral pa rin yan," sagot naman nya. "Anong subject yan?"
"Philosophy," sagot ko naman. Sinulyapan ko si Mayen saglit, "Ang aga mo ata? Akala ko ba lagi kang last minute napasok?" untag ko naman sa kanya.
Tumawa lang sya, "May appointment ako sa guidance eh... Actually, palabas na nga ako... Uhm, sige, bye! See you in class!" sabi nito tapos umalis na.
Napatitig naman ako sa notes na sinusulat ko. Konti na lang at matatapos ko na sya kaso nananakit na yung mga daliri ko sa kakasulat kaya napagdesisyunan kong tumigil muna. Dadaan na muna ako sa canteen bago ako pumasok sa klasrum mamaya. Agad ko naman niligpit na ang gamit ko at lumabas na ng library.
The weird thing is, hindi naman ako yung babaeng nakakaagaw pansin. In fact, wala namang nakakapansin sa akin kundi mga professors at mga kaibigan ko lang. Ang pinagkaiba lang sa araw na ito eh, nakatingin silang lahat sa akin habang papunta akong canteen. Meron ba akong ginawang mali kanina?
Until, I felt a hot breath fanning my right ear.
"Sa tingin mo, ba't sila nakatingin sa atin?" may nagsalita sa tabi ko. Nilingon ko kung sino at napagtantong ito na yata ang katapusan ko.
"Ewan ko sayo," pagsusungit ko dito.
"Aysus, ang snob. Sabi ni kuya Adam mabait ka daw ah?" sagot naman nito sa akin. At kung naaalala nyo, ngayong lunes na darating ang lalaking ibe-babysit ko. "I'm Kaden Fletcher, by the way." nginitian nya ako. Siguro kung hindi ko lang mahal si kuya JP malamang ito ang magiging crush ko. Matangkad, matipuno, gwapo pero mukha namang babaero. Agad ko ding napansin ang mata niya kasi nasa kakaibang shade ng gray ito. Talagang mahahalata mo na may halong ibang nationality ang lalaking nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Neophilia
Teen FictionAfter finding out that life has nothing to offer for her, King is about to face a love that will change her.