N 32

750 29 0
                                    

NEOPHILIA 32:

She was smiling at me and I can't help but to put a smile on my face, even though I was forced to do it just because I don't want her to know that I wasn't listening. Don't get me wrong, she's good, too good actually to be a friend of mine even way, way back. Sigur mabait din ako noon kaya ko siya kaibigan. Ewan ko lang, malaki kasi ang pagkakaiba nang makasama ko si Ellan.

"--so, I hope this is goodbye..." sabi sa akin ni Kim pagkaharap niya sa direksyon ko. Hindi pa rin nawawala yung ngiti na nasa mukha niya.

Tumango ako. Sinubukan kong maging friendly, "No, it's not... This isn't goodbye goodbye, di ba?" I told her, "We'll see each other soon."

She winked at me, "Of course! I hope that would be on my wedding."

I tried to laugh, "I hope so too."

"You have my number, right? Call me sometime. Ipapakilala kita kina Mayen." She reminded me and I just nodded.

She linked her arms with the man who looks exactly like her - no I mean, hindi naman sila magkapatid pero may pagkahawig sila. Totoo kaya yung sabi ni Ellan na kapag medyo may pagkaresemblance ka sa isang tao na ka-opposite sex mo, may possibility na sa kaniya ka magkagusto. Ewan ko, nabasa ko din yan sa magazine ng Elite eh. I wonder. Hindi naman ganun magkahawig si mommy at daddy but they were so inlove with each other.

She waved at me and I did back to her. Yung mata niya lalo pang ngumiti nang humarap na siya dun sa lalaking kasama niya, her soon-to-be-husband.

Then as soon she's out of my sight, nawala na rin yung ngiti na kanina ko pa pinipilit na idikit sa mukha ko.

When I got home, nakita ko si ate Red sa sala, hawak-hawak niya yung iPad tapos busy siya na nakain ng ubas. Tinabi ko yung mga pinamili ko sa mall kanina tapos umupo sa tabi niya. Hindi pa rin siya nalingon sa akin pero in-acknowledge na niya yung presence ko by greeting me 'Hi'.

Sinilip ko kung ano ginagawa niya sa iPad. "Anong meron?" tanong ko.

"I don't know how good you are until then," sabi niya. Pinakita niya sa akin yung mga pictures na naleak sa internet pero may mga watermark ang Elite dun. Nandun yung mga sikat na models, actresses and public figures. Marami. Hindi ko alam kung paano niya nahanap ang mga iyon. Well, internet did it anyway.

I studied the pictures at tanda ko lahat ng iyon kasi kasama ako sa mga kumukuha ng pictures. Meron galing kay Jorge, yung official photographer ng Elite, tapos meron din yung iba na galing akin. And right now, ang pinapakita sa akin ni ate Red eh yung pictures na kinuhanan ni Jorge. "Hindi ako kumuha niyan," sabi ko. Hinanap ko naman yung ibang pictures na kinuha ko tapos pinakita sa kaniya, "Eto yung akin. Hindi naman ako ganun kagaling pero enough na rin para mailagay sa Elite."

Hinampas ako ni ate Red sa braso ko, "Are you kidding me? Tingnan mo itong kinuha ng isa sa kinuha mo, mas maganda! Mas may anggulo yung mga models!"

I just rolled my eyes at her. "Whatever."

Nang-irap din siya, "Whatever ka diyan."

"Ba't mo ba tinitingnan yan?" I got curious all of the sudden.

Nagkibit balikat siya, "Well, I'm depressed. These pretty pictures help me to cope up." Sabi niya sabay kain ng grapes.

Bigla ko naman naalala yung binilin sa akin ni kuya Adam. He and his little surprise. Napailing na lang ako. Meron pang 3 days bago namin supresahin si ate Red. Magpeprepare lang sila ng kung ano kailangan nila.

"You know... I can't believe he's not even apologizing!" sabi niya. Ibinaba na rin niya yung iPad sa lap niya tapos yung ubas naman yung pinagdiskitahan niya. Well, it's one of his 'brilliant' plan. "Not even a single call or a freaking text! After all these years, I thought he was amazing but then, he just became a major jerk for me. Fuck him."

NeophiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon