N 30

837 24 2
                                    

NEOPHILIA 30

Nakatitig lang siguro ako sa kawalan nun. Hindi ko kasi masabi kung nasaan na kami ni Kaden. Ewan ko ba kung saan niya ako dinala basta ang alam ko lang ito yung pinag-usapan namin ni kuya Adam. Magkikita raw kami kasi may gagawin siya. So ako naman itong medyo ewan, pumayag naman. Dapat nga iintindihan ko muna si ate kaso anong ginagawa ko dito? Heto kasama si Kaden sa loob ng sasakyan.

Kung hindi pa niya ako kakalabitin, malamang hindi ko rin malalaman na nakapark na pala si Kaden sa isang restaurant na may kalayuan medyo sa amin. Tinanggal ko na yung seatbelt ko tapos lumabas. Sinalubong kami kaagad ng isang babae na naka-uniform. Sinundan namin siya ni Kaden hanggang sa dalhin niya kaming pareho sa table ni kuya Adam.

Nang makita kami ni kuya Adam, tumayo siya kaagad para salubungin din kami.

Agad akong sumugod sa kaniya papalapit at binigyan siya ng isang malakas na suntok sa nguso niya tapos sinundan ko pa ng isa pang suntok sa panga niya. Nagdugo ng kaunti ilong niya. Naramdaman ko namang namanhid sa sakit yung kamay ko. Napa-aray ako sa ginawa ko pero hindi ako nagsisisi na ginawa ko yun. Pakshet siya. Akala niya masaya magpaiyak?

Kahit si Kaden nagulat sa nakita niya. Kahit ako nga nagulat sa ginawa ko. Sister instinct na lang siguro yun.

"What the--!" Biglang awat sa akin ni Kaden papalayo sa kuya niya. "Chillax! Anong ginawa mo kay kuya?"

Nagpupumiglas ako sa hawak ni Kaden. "Eh kasalanan niya eh! Sino bang nasa tamang pag-iisip na paiyakin ang babae para lang magpropose?!"

Oo. Tama kayo nang nabasa. Magpopropose na si kuya Adam kay ate Red. Kaso nakakainis talaga yun eh para sa babae. Imagine. Sasaktan ka muna tapos malalaman mong biro lang pala ang lahat ng iyon. Para kang binuhusan ng malamig na tubig kapag nagkataon.

Tinakpan ni kuya Adam ng panyo yung nagdudugong ilong niya. "Alam ko... It was too stupid of me. Hindi ako nag-iisip. I'm sorry. But know this, I am serious about this King... I just need you in this, okay? Please?" Suminghot ng malakas si kuya Adam para umatras yung dugo niya sa ilong. Psh.

"Oo na gets ko. Pero hindi ako magsosorry sa ginawa ko. Deserve mo talaga yun! Walang hiya ka. Hindi mo alam kung gaano umiyak si ate Red sa harapan ko! Bullshit to! Akala mo joke?" talagang lumbas na ang pagkainit ng ulo ko. Pero nakita ko naman kay kuya Adam na seryoso naman talaga siya at part ng 'Genius Plan' niya yung ginawa niya kay ate Red. "At oo. Wag kang mag-alala. Kahit labag to sa pakiramdam ko, gagawin ko ang gagawin ko. Para kay ate ito. Okay?'' dugtong ko.

Mabilis namang tumango si kuya Adam. Maya-maya naman niyan eh nakarecover na si kuya Adam mula sa pagkasuntok ko. Kaharap ko na siya sa lamesa habang katabi ko naman si Kaden. Binabanggit sa akin ni kuya Adam yung mga important details na kailangan niyang ipapaalala sa amin. Nakita ko kung gaano kaeffort yung pinaghahandaan ni kuya Adam na proposal. Proposal pa lang ito. Hindi pa lang ito kasal.

I mean, this is my sister. Bailey Red De Guzman.

And this guy right here is Adam. Adam Jonas Fletcher.

Put them together, para silang couple na may high class and standards. Yung tipong hard to reach.

NeophiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon