Neophilia 10

1.1K 38 6
                                    

NEOPHILIA 10: LANGUAGE GAME

In a relationship, kahit hindi natin sabihin ng berbal, we have rules. Yung simpleng 'bawal tumingin sa iba habang may karelasyon ka' na rule ay isa na yun sa mga rules na kahit hindi natin sabihin ay awtomatikong alam na natin. In terms of Philosophy, the pair are confined to play the language game.

Language game is something Wittgenstein proved that people understand world because of what other people (around him) knows. Kung masyadong malabo, wag niyo nang problemahin kung ano pa yun. Kasi ang gusto ko lang naman sabihin ay: 'in love, we have rules'.

In my case, my love doesn't have any rules. Hindi ko alam kung anong meron sa amin ni kuya JP. Kung ano ba 'kami'? Kung kelan pa nagkaroon ng 'kami' in the first place? The way kuya JP acted around me was different from any typical friend radar. Wala akong rules kasi hindi ko pa alam kung ano papel ko sa buhay niya.

Kasi una, friends do not hold hands like a couple does.

That familiar feeling of hyperventilating, backflips, bliss, butterflies and fireworks were still there. The moment he intertwined his hands with mine, I knew that things will be different. Hindi ko naman dine-demand sa kaniya na maging kami na when he held my hand. Ang gusto ko lang sana sa kaniya ay yung tulungan niya ako maunawaan kung ano na nga ba ang nangyayari sa aming dalawa.

For these past few days, iba na. Hindi ko alam kung anong nangyari kay kuya JP kasi kahit ako napapa-nganga na lang sa kung ano man ang gagawin niya. After I hugged Kaden in one random afternoon, naging mabilis na yung takbo ng buhay ko. I mean, naging isang recorder na yung buhay ko na may fast forward button pa. Today, he will hug me tapos maya-maya, he will hold my hand as if wala siyang balak pakawalan ako. Kung friends pa kami sa lagay nito, nagbago na pala ang definition ng friends ngayon. Kung may 'something' na nga sa amin, please kuya JP, enlighten me! Kahit na kinikilig ako sa bawat motibo mo, kelangan ko ng proof! Kelangan ko mismo manggaling sayo kung ano man tayo kasi ayokong mag-assume.

Kapag mag-aassume ako, masasaktan ako sa huli.

"Kuya JP?" sabi ko sabay buntong-hininga. Nandito kaming pareho nakatayo sa Bon-Chon, naghahanap ng mao-order.

Agad-agad naman akong nilingon ni kuya JP na para bang nagtatawag ako ng isang tuta, yung excited kumbaga, "Hmm?"

"Ano 'to?" tanong ko. Napapikit ako sa tinanong ko. Kung hindi niya ipapaliwanag kung ano man kami ngayon, maglalakas loob na akong magtatanong sa kaniya para matapos na ang pangamba na meron ako.

Hindi yata na-gets ni kuya JP yung tanong ko kasi iba yung sinagot niya, "Eto? Yung korean noodles na---"

"Hindi yan... H-hindi... Uhm... T-tayo... Ano 'to?" utal-utal kong tanong sa kaniya.

Bigla siyang napatigil saglit. I felt his hand tighten as his thumb gracefully touches my hand. The he lets go. "I-I'm s-sorry..."

Nasaktan ako nang binitawan niya yung kamay ko. Hindi ako nagsalita. Sa halip ay yumuko na lang ako at tinitigan ang kamay ko na hawak niya kanina.

I heard him sigh, ran his hand in his hair due to frustration, "Tsk, Halika ka nga!"

Ang kamay ko na binitawan niya kanina ay ngayon hawak na naman uli niya. Bigla na lang niya ako hinila papalabas ng BonChon. Lahat ng tao eh nakatingin sa biglang eksena na pagtakbo namin papalabas ng resto.

"Kuya JP?" sabi ko habang nahahapo sa biglang paghila niya tapos ngayon ay natakbo na kami sa gilid ng kalsada, "S-san tayo... Pupunta?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Hila-hila lang niya ako.

Hanggang sa makarating lang kami ulit sa school. Deretso kaming pumunta sa gazebo kung saan nakatambay sila ate Red at kuya Adam at yung iba pa nilang mga ka-tropa. Pareho kaming hini-hingal sa kakatakbo namin. Pareho kaming tanga na magkaholding hands na naghahabol ng hangin sa pagod.

"R-Red..." Biglang sabi ni kuya JP.

Nakita ko ang mga mata ni ate Red na nanlaki sa nakikita niya sa harapan niya ngayon. Yung mata niya ngayon ay hindi makapaniwalang magkahawak kamay kami ni kuya JP. Kaholding hands ko ang best friend niya. Kaholding hands ko ang lalaking may gusto sa kaniya... dati.

"B-bakit, JP?" medyo mahina ang pagkakasabi ni ate Red pero naririnig pa rin naming lahat.

"Pwede ko bang ligawan kapatid mo?"

Napalingon kaagad ang ulo ko kay kuya JP at pilit na ipinagtatagpo ang mata namin para paglakihan ko siya ng mata. Pero nakatingin lang siya kay ate na para bang seryoso siya. I felt butterflies in my stomach. I felt like I was in a cloud nine. I felt loved by the person I love. Heto na pala yun. Magkakaroon na kami ng language game ni kuya JP.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng taong nasa tabi ko ngayon.

For once, napaniwala na ako na naka-move on na si kuya JP.

"H-hindi ako ang nanay, JP..." This time, my sister smiled. "Hindi ka dapat sa akin nagpapaalam..." then her lips twitched in a different manner.

Namumula na ako, inaamin ko na. Hindi ko na pinapairal yung acting skills ko, heto na ako sa harapan ng mga kaibigan nila ate, at kasalukuyang kinikilig na.

"...Alam ko," sagot ni kuya JP, "We'll get there... soon,"

Napalunok ako. Kinilig ako. Hard.

Yung ngiting nakapinta sa mukha ni ate parang nag-iba saglit. Parang nagdadalawang isip. "Well... Then...." Tiningnan niya saglit si kuya JP at nagtitigan sila saglit. "Fine... I'm a-allowing you," sabi niya.

Hindi ko na inisip pa yung ekspresyon ng mukha ni ate nung pumayag siya. Basta bigla ko na lang narinig yung kabog ng dibdib ko. Ang lakas. Ang bilis.

Natatakot ako.

Hindi ko alam kung bakit pero, oo. Natatakot ako.

"Chloe!" napalingon ako mula sa malayo at nakitang papalapit si Kaden sa amin habang may hawak-hawak siyang gitara. "May sasabihin ako sayo!"

"A-ano?" sabi ko naman sa kaniya. 

As he walked towards us, his eyes fell from my hand. From our hands. From kuya JP and my hand. From everything that changed so suddenly. Biglang napatigil yung mga paa niya sa paglalakad. "Kayo na?"

Iniling ko ang ulo ko, "H-hindi pa pero---"

"Pero papunta na dun," biglang singit ni kuya JP sa amin. Malaki ang ngiti na meron sa kaniya ngayon.

Nagtagpo ang mata namin ni Kaden. Napatango na lang ako sa sinabi ni kuya JP, "Ah... Oo, papunta na dun..." ngumiti ako. 

Napalunok din siya. "Ano pa nga ba magagawa ko? Magkahawak na kayo," ngumiti siya. Bigla na lang niya tinapik si kuya JP sa balikat, "Good luck." sabi niya sabay sibat papalayo sa amin kaagad.

Anong meron dun at hindi niya sinabi sa akin yung dapat na sasabihin niya kanina?

"Bakit tawag niya sayo Chloe?" biglang lingon naman sa akin ni kuya JP.

Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko alam..."

His forehead creased, "May tawagan kayo?"

"W-wala ah!" bigla ko namang depensa, "Siya yung unang nagtawag sa akin nun!"

"Alexa." bulong niya.

"Ha?" sabi ko naman, naguguluhan ako.

"Halika na nga. Iuuwi na kita sa inyo..." magkahawak pa rin kami ng kamay kaya hinila na lang niya ako bigla-bigla.

Napangisi ako.

For the first time in history, nagseselos siya. Para sa akin. Hindi para kay ate Red. 

"Pero... Kuya JP... Nagugutom ako," singit ko naman sa paghihimatok niya.

"Sige, balik tayo sa BonChon." sagot niya.

NeophiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon