N 25

944 29 8
                                    

NEOPHILIA 25

So... Thursday na. It's weird na dapat paalis na ako ngayon pero nandito pa rin ako sa bahay nila daddy na nakahiga sa kama. Dalawang oras na lang at aalis na yung eroplano ko. At kung tatanungin niyo kung ba't di na lang ako umuwi sa US kahit na may one week free ako, eh tanungin na lang natin kay JP iyon. Bukas na yung basketball na pinangako ni JP na papanuorin namin sa coach niya. Saka isa pa, mas maganda na munang magstay ako dito for daddy and ate Red.

Biglang nagvibrate ang phone ko tapos tumunog nga kalakas-lakas. Alas-siyete na ng umaga. Bumangon na kaagad ako sa kama tapos inayusan ang sarili ko saglit. Konting suklay lang dito tapos tamang ligpit ng kama doon. After that, bumaba na ako para hanapin si daddy at ate Red. Nagugutom na ako.

Sa sala, naiwang nakabukas yung TV sa morning news. Tapos may naririnig akong ingay mula sa kusina. Dalawang lalaki yung nag-uusap. Gusto kong mag-face palm sa nakita ko nung pumunta ako ng kusina. Nandito kasi si JP, natulong sa paghahanda ni daddy ng breakfast. Para silang mag-ama na akala mo'y nagkakaroon sila ng bonding moment. Napansin kong may suot-suot pa silang dalawa na apron. Ang cute lang tingnan.

"Gising ka na pala?" Unang nakakita sa akin si JP. Nung kukuha kasi sana siya ng tubig sa ref, nakita na niya akong nakatayo doon sa may hapag-kainan. Nginitian ko lang siya. "Halika na, kakain na tayo. Malapit na rin kami ni tito matapos dito... Di ba, tito?" Tapos tumawa yung dalawa. Sila lang talaga yung nagkakaintindihan.

Umupo naman ako dun sa hapag-kainan, "Nasan na si ate?" tanong ko.

"Umalis na ate mo kaninang umaga. Bumalik na siya sa trabaho niya. Aabangan ko mamaya siya sa radyo eh," sagot naman ni daddy matapos nilang magtawanan ni JP. "Oh, eto oh. Corned beef saka itlog." Inalukan ako ni daddy ng ulam. Kaagad ko naman kinuha yung plato tapos kumain na rin kaagad.

And for some reason, nandito si JP sa bahay namin, 7:30 na ng umaga, tapos nakikisabay sa amin kumain ng breakfast. Hindi ba siya hinahanap ng magulang niya na lagi siyang nandito sa bahay namin? "JP, ba't nandito ka?" Tanong ko sa kaniya ng deretsahan.

"Oh, ba't ayaw mo?" sabi niya habang sinasandukan niya yung sariling plato niya ng kanin.

"No... I mean, okay lang sa parents mo na nandito ka sa bahay?" sabi ko.

Tiningnan ako ni JP. Yung ngiti sa mukha niya eh hindi pa rin nawawala. Nakikita ko na naman ang dimples na nasa kaliwang pisngi niya. "Matagal na silang wala, King. Grade 4 pa lang ako nun nung nawala na sila,"

Nagulat ako sa narinig ko galing sa kaniya. Hindi ko alam na ganun pala siya.

Napansin ni JP kung ano hitsura ko kaya nagsalita ulit siya. "Wag ka ng mag-alala, okay lang sa akin yun. Saka, naiintindihan ko naman na wala kang naaalala tungkol sa nakaraan mo eh. Ikaw at ang ate mo kaya yung kasama ko nung nilibing silang dalawa."

"I'm sorry...." Yun lang ang nasabi ko sa sobrang pagkagulat. "Sino kasama mo na nun? Sinong nag-alaga sayo matapos yun?"

"Kapatid ni mama, si tita Jack." sagot niya.

"Oh, asan siya?"

"Tinanggap na niya yung trabaho sa Canada last year,"

"So..." Put two and two together, "Mag-isa ka lang ngayon?"

Tumawa si JP pero yung medyo mahina lang. Yung tamang-tama lang na para sabihin sayong naaalis siya sa tinatanong mo. "Bakit? Etong daddy mo, parang tatay ko na rin yan eh. Hindi ako nag-iisa," nagkatinginan sila ni daddy. 

"Mabuting bata itong si JP, anak-"

"Tito, hindi rin. May malaking kasalanan ako sa inyo,"

"JP, hijo, wala na yun. Tapos na. At least okay siya, di ba? Yun ang mahalaga."

NeophiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon