Neophilia 15

1K 41 10
                                    

|| Dedicated to PartTimeDreamer - super thank you sa fan art (actually dalawa yun eh, saka ko na lang ipopost yung isa ^^) Check nyo yung pic sa right corner! Hihihi <3 - Gretell ||

NEOPHILIA 15: PREGNANT PAUSE

"Kuya Pats! Sa akin!" And when I'm in a bad mood, you don't wanna play to someone who's competitive when it come to sports. Nababadtrip ako ngayon lalong-lalo na kapag alam ko na may tinatago si ate Red at kuya JP. Whatever that is, I have to find it out.

Hinagis ni kuya Pats ang disc sa akin at nasalo ko rin naman ito bigla. Sa harapan ko, biglang sumingit si ate Red, blocking me from throwing the disc. "1... 2...." Nagsisimula na siyang magbilang. Kailangan ko ng maibato ang disc bago mag-10.

Ibinato ko yung disc sa isa pang katropa nila ate Red na kagrupo ko, si ate Mabby. Buti naman at nasalo niya. Tatakbo na ako ulit para magkatao sa offense namin. Pero bago pa man ako makatakbo pabalik sa grupo ko, biglang hinila ni ate Red ang braso ko. "What's up with you? Kanina ka pa nakabusangot diyan! Kanina mo pa ako tinitira,"

I shot her a glare. Agad kong tinanggal yung kamay niya sa kamay ko. "Me? Baka ikaw? Ikaw ata ang may problema."

Her lips were pressed into a thin line, "K-King... Wh-what are you talking about?"

Iniling ko na lang yung ulo ko, "Just put your head back on the game." And with that, tumakbo na ulit ako papalayo sa kaniya para habulin na yung disc kay kuya Pats.

-

"PJ, tell me, alam na ba niya?"

"About what?"

"About... This! About... You! About everything!"

"What?"

"PJ, tanga ka ba? I'm telling you... You have to end this,"

"And what? Hurt her?"

"It's better to be that way..."

"I-I can't..."

"What?"

"I love her now, Red..."

"I know... But it's wrong..."

"Should I tell her?"

"Yes. But not today."

"Edi kailan?"

"Kapag okay na ang lahat..."

-

"Kaden!" Nakapang-ilang tawag ko na kay Kaden pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Patuloy pa rin siya sa paglalakad. "Kaden!" Still, hindi pa rin siya nalingon.

Para pansinin na niya ako, I did the most embarassing thing that I can think of. Nasa gitna na kami ngayon ng quadrangle at maraming tao ang nandito para tumambay. "Kaden, buntis ako! Ikaw ang ama!"

Nang-init ang mukha ko sa kahihiyan na sinabi ko. Nagsitinginan na yung mga tao sa amin. Pero mas lalong pula ang mukha ni Kaden nung lumingon na siya sa akin nang marinig niya iyon. "What the fuck?"

Tumakbo ako papalapit sa kaniya saka hinila ko siya kasama ko. "Edi sana kung pinapansin mo ako kanina pa, hindi ko sasabihin yun!"

"So ako pa pala ang may kasalanan?"

"Ba't ka ba galit sa akin? Sinabi mo lang naman na sinasaktan lang ako ni kuya JP tapos parang ikaw pa itong apektado!" His jaw squared, "Kung tutuusin mo dapat ako pa itong galit eh!"

"Ano bang kailangan mo, King?" Masungit nitong tanong sa akin.

"Sabihin mo na kung ano yung tinatago ni ate saka ni kuya JP sa akin." hininaan ko yung boses ko, "I heard them talking while we're on your beach house yesterday."

"It's not my place to tell," matipid niyang sagot. Tinaboy niya rin yung kamay kong nakahawak sa mala-muscle niyang braso.

"Kung ayaw mong sabihin... Sabayan mo na lang akong umuwi..."

"Ang layo ng bahay ko sa inyo! Ano ka? Prinsesa?"

"Hindi. Hari! Kaya nga King, di ba? Boplaks ka ba?"

A small curve appeared in his lips. Natatawa na yan pero pinipigilan lang niya baka masira ang bad boy kuno niya. "H-Hindi! Psh, bahala ka..."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Libre mo na lang akong kwek-kwek katulad ng dati."

"Akala ko ba may boyfriend ka? Edi siya na lang manlibre sa iyo," pinamulsa niya yung mga kamay niya habang naglalakad kaming dalawa. Nakataas din ang hood sa may ulo niya. Akala mo nilalamig sa gitna ng sikat ng araw.

"Eh... Saka na... Wala ako sa mood kausapin siya matapos kong marinig yung usapan nila ni ate kahapon eh," sinusubukan kong habulin yung malalaking hakbang ni Kaden. Ba't kasi ang ikli ng legs ko? Ba't kasi ang tangkad niya?

"Wala... Wala akong pera pang-libre sayo..."

Nilingon ko siya, "Anong walang pera? Nakita kita kanina nung vacant ko sa canteen! Wala bang pera yung panlilibre mo sa mga kabanda mo? Tapos ako na nga itong nag-iisa, ayaw mo pa akong ilibre?"

Hindi siya sumagot. "Fine! Ililibre na lang kita. I won't take no for an answer."

Pinuntahan na namin yung stand na bilihan ng kwek-kwek at iba pang street foods. Nagsimula na akong tumuhog pero si Kaden eh wala pa ring imik. Hindi pa rin ako pinapansin. "Ba't ba ang sungit mo sa akin ha? Kung sino man yang iniisip mo, mahal ka nun! Okay? Wag kang busangot diyan! Sinusubukan ko na ngang maging masaya ngayon kahit na namamatay na ako sa loob eh!"

His eyes suddenly softened. Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya nung nabanggit ko yun sa kaniya, "Oy, wag mo na akong kaawaan. Akala ko ba ayaw mong madamay kapag nasaktan at naiyak na ako?"

Wala pa rin siyang imik.

"Magsalita ka naman, Kaden... Mukha akong baliw dito na kinakausap ko lang sarili ko..."

"Why are you doing this? You don't have to act so happy with me, Chloe."

"I'm hurting. I just need someone to be with me. Ayoko kasing umiyak. Maraming beses na akong umiyak dahil kay kuya JP. Does that satisfy your question?"

Hindi na naman siya umimik. "Sige na... Kung ayaw mong magsalita, at least ikain mo na lang itong libre ko sayo. Sayang naman! Minsan na nga----"

"What did you hear?"

"Ha?"

"Anong narinig mo kina Red at JP?"

Nalunok ko ng buo yung itlog. "Uhm... Wala masyado eh... It was just enough for me to have a right to be suspiscious..."

"I'm sorry..." nagsimula na siyang tumuhog ng kakainin niya.

"For what?" tanong ko naman.

"For letting you feel that way..."

"Being suspicious?"

"No... Hurt,"

"Kaden? Anong pinagsasasabi mo? Hindi ikaw ang nakasakit sa akin. Frankly, I should thank you. Kung hindi mo sasabihin sa akin yung mga alam mo, malamang, mukha pa rin akong tuta na nabuntot kay kuya JP ngayon..."

Tumingin ako kay Kaden. Hindi ko inaasahan na ganito na pala siya kalapit sa akin. Parang 2 inches na lang yung space sa gitna namin. My heart beat suddenly picked up. Dug dug. Dug dug. Dug dug.

Umatras ako kaagad. "What are y-you doing? Ang daming space dun eh!"

And then his infamous killer smile appeared. His dimples in his left cheek. "Woosus, kilig ka lang eh! Salamat sa libre ha!"

Napangiti na lang ako.

For that moment, nagawa kong kalimutan saglit kung anuman ang mayroon sa kapatid ko pati kay kuya JP. Kahit saglit lang yun, napakalaking bagay na rin sa akin yun. Buti na lang nandito si Kaden sa tabi ko.

"Kaden, thank you ha."

"Ano pa nga ba magagawa ko? Hindi ko kayang humindi sayo," sabi niya sabay kindat.

NeophiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon