Neophilia 11

1.1K 32 7
                                    

NEOPHILIA 11: Y-E-S

Bigla akong siniko ni Mayen sa tagiliran ko pagkatapos kaming i-dismiss ni Sir Galza in our Archery class. Susungitan ko sana siya kaso bigla na lang  siya ngumuso sa malayo. Sinundan ko naman yung tinuturo niya at nakitang nakaupo si Kaden sa may bleachers.

"O, anong gagawin ko dun?" tanong ko naman kay Mayen.

"Ano ka? Joke? Ikaw lang naman ang may close diyan kay Kaden at hindi kaming mga ka-tropa mo! Lapitan mo kaya?" sabi niya sabay hampas ng medyo mahina sa balikat ko. "Kanina ko pa napapansin diyan eh."

Nilingon ko naman kaagad yung direksyon ni Kaden. Nakaupo lang siya at may hawak-hawak na gitara. Hindi ko alam kung nakanta siya pero nakikita kong nagsta-strum siya ng string ng gitara niya. Nagdadalawang-isip kasi ako kung lalapitan ko ba siya o hindi kasi naghihintay na sa akin si kuya JP sa may gazebo.

"Eh, ano naman ang sasabihin ko dun? Malay mo gustong mapag-isa yung tao," napakamot ako sa may batok ko. Eh, naghihintay nga si kuya JP eh.

"Wow naman, parang wala kayong pinagsamahan nun ah? Edi kung ayaw niya, umalis ka na! Duh?" pagtataray pa ni Mayen. Kung hindi ko lang siya kaibigan baka ni-wrestling ko na siya eh.

Napabuntong-hininga ako, "Oo na... Sige, sige. Mauna na kayo," sabi ko. Umalis na rin kaagad sila Mayen, Mae, Dana, Linet at Kim. Ako na lang ang natitirang nakatayo dito sa open field.

Sinalpak ko na lang yung straps ng bag ko sa balikat ko saka nilapitan si Kaden, "Oy!" bati ko dito.

Napatigil siya sa paggitara, "Wow naman... Ganda ng bati mo sa akin ha?" ngumiti siya. Yung ngiting hindi basta-basta, yung ngiti na totoo yung meron sa kaniya ngayon. Napatigil ako saglit sa kakalakad papalapit sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"... Wala naman... May problema ka ba?" nilunok ko ang laway na naiipon sa mismong bibig ko. Nilakasan ko na yung loob ko na tumabi sa kaniya. Simula kasi nung nagkayakap kami nung isang araw, bigla na lang ako nawalan ng time na makasama siya. Lagi na kasing sumusulpot si kuya JP sa tabi-tabi na para bang kabute.

Iniling ni Kaden ulo niya, "Kelan ka pa naging concern sa akin?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Magtigil ka nga! Lagi kaya akong concern!" depensa ko naman sa sarili ko. Nag-indian sit ako sa tabi niya. Binaba ko na rin yung bag ko at inilagay sa tabi ko.

He scoffed, "Concern? Oo nga... Concern ka nga, pero puro kuya JP ka naman!" sabi niya. Bigla siyang napayuko pero yung ngiti na meron sa labi niya ay hindi pa rin nawawala.

Hindi ko inaasahan yung sagot niya. "H-hindi kaya!" biglang sabi ko.

Itinabi na ni Kaden yung gitara niya sa sarili nitong case. "Kamusta na nga pala kayo ni JP?" Iniba niya yung usapan.

"Okay lang na---" may sasabihin pa sana ako kaso bigla na naman siyang sumigit sa pagsasalita ko.

"Kayo na?" His head snapped back at me.

Nanlaki mata ko sa biglang tanong niya. "Uhm... H-hindi pa naman... Bakit?"

Narinig kong bumuntong hininga siya. "Hindi PA?" napailing ulit siya, "Edi may balak ka ngang sagutin siya?" nawala na yung ngiti sa labi niya.

Nalilito ako. Ano ba itong tinatanong sa akin ni Kaden ngayon. "O-oo... Pero hindi pa ngayon---" pinutol na naman ni Kaden yung pagsasalita ko.

"Kelan pa siya nagparamdam sayo?" tanong na naman ni Kaden. "Kelan pa siya nagpakita ng unang motibo na gusto ka din pala niya?"

I bit my lower lip. In all honesty, hindi ko din alam. Bigla na lang ako nagulat nang isang araw nung napapadalas na yung pag-akbay niya sa akin. Yung pag-yayakap niya ng biglaan pati na rin yung paghawak niya sa kamay ko. Totoo na kinikilig ako sa bawat galaw ni kuya JP pero teka nga. Napatigil ako sa sinabi ni Kaden sa akin ngayon. Tama siya.

"Bakit ang dami mong tanong?" yun na lang ang sinabi ko. Wala kasi akong maisasagot sa tanong ni Kaden.

"Bakit mo iniiwasan ang tanong ko?" sabi niya.

"Bakit ba---"

"Hindi mo alam, ano? Hahayaan mo na lang ba ang sarili mo na mahulog sa kaniya ng ganun-ganun lang? Wala man lang ipinakita sayo yung lalaki ng motibo na mahal ka nga niya ah?" biglang singit ulit ni Kaden sa akin. "Tss. Chloe, I thought you're smarter than this?"

Nainis ako. Bigla na lang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. "You don't know what you're talking about." I stated. Walang alam si Kaden sa kung gaano ako katagal nagtiis para lang sa oras na ito. Matagal kong ikinimkim yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing ipapamukha sa akin ni kuya JP na mahal niya kapatid ko. Hindi niya alam kung gaano na ako nagpaka-tanga at nagpaka-martyr para lang sumaya si kuya JP na kasama ako. Wala siyang alam. Wala.

Tapos ngayon, kung kelan heto na yung pagkakataon ko na patunayan kay kuya JP na ako ang tamang babae para sa kaniya, bigla na lang sisirain ni Kaden sa isang walang kwentang pag-uusap? Ngayon niya lang ipapamukha sa akin na mali ako? Ano bang ginawa kong masama? Nagmahal lang naman ako ah? Hindi na ako natutuwa sa usapan naming dalawa ni Kaden. Gusto ko sana siyang upakan sa pinagsasasabi niya. But I can't. May punto si Kaden.

Nangingilid na naman ang mga luha sa mata ko.

"O ano, iiyak ka na?" biglang sabi niya.

I shot him a glare. Nasaktan ako sa sinabi niya. Kinuha ko na lang yung bag ko saka tumayo para makalayo na sa kaniya. Walang kwentang kausap si Kaden ngayon. Pero bago pa man ako makahakbang papalayo sa kaniya, agad-agad niyang inabot yung braso ko.

"He's a bad news, Chloe."

"My name's King..." Itinaboy ko yung kamay niya sa braso ko, "---and you don't know him." seryosong sabi ko sa kaniya. Our eyes met. Ngayon nakikita na niyang tumutulo na yung luha ko. Wala na akong pakielam kung nakikita niyang mahina ako. "What's wrong with you?" dugtong ko.

His jaw tensed.. "I don't know what's wrong with me... Pero Chloe, makinig ka sa akin.."

Hindi ako nagsalita. Tiningnan ko lang siya.

"He's just using you." Biglang sabi ni Kaden sa akin.

Nakaramdam kaagad ako ng kirot nang marinig ko sa kaniya iyon. Napakagat ako ng madiin sa labi ko hanggang sa nakatikim na ako ng dugo sa dila ko. "Yan na? Yan na explanation mo?"

Tinitigan lang ako ni Kaden.

"He's not using me! Wag mo nang pakumplikahin ang lahat!" sabi ko sabay punas ng mga luha ko. Nafu-frustrate na ako sa sinasabi niya. Huminga ako ng malalim. "Why do you care anyway?"

"I really don't care, Chloe---" He stood up from his seat, "...ayoko lang masama sa mga drama mo kapag nasaktan ka na." He picked up his guitar case and brushed me off.

Lalong lumakas ang pag-iyak ko. Hindi ko na alam kung bakit mas lalo lang akong nasaktan. Hindi ko alam kung nasaktan ako dahil baka tama si Kaden sa sinasabi niya o di kaya'y, nasaktan ako lalo nang malaman kong wala nang pakielam sa akin si Kaden kapag nasaktan ako.

Either of the two, mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. Pero pinigilan ko na ang sarili ko sa pagtulo ng luha ko. Hindi dapat ako ganito eh!

"Alexa?" A familiar voice suddenly made me stop from crying. I glanced up to see who it was. Siya lang naman ang natawag sa akin ng Alexa Same way as Kaden calls me Chloe. Nandun si kuya JP sa harapan ko ngayon. "Kanina pa kita inaantay sa---" He reached for my shoulders, "Umiyak ka?"

He immediately wrapped his arms around me and I felt the sudden electricity as I felt his skin onto mine. "Anong problema?" He kissed my temples. HIs lips finally landed to my skin and I felt the immediate comfort that I needed. "Who did this to you?"

Umiling ako. I chose not to answer his question. I just hugged him back and said, "Seryoso ka ba sa akin?"

Those words just slipped right off of my tongue. The moment I heard those words from my mouth, I never did regret it. I really want to hear it from him right now. It's now or never habang nasa dramatic scene pa ako para magsabi ng aking nararamdaman.

I felt his body stiffed for a second, I assume he was taken aback by my words, but then his hugged tightened after. I felt his hand supported my head as he leaned me closer to him. I heard him gulped. "Yes,"

My heart just skipped a beat.

NeophiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon