My feelings.
It was worse than wounding myself when I was once a child. It was worse than knowing my dad kept my candies under his bed. It was worse than failing an exam. It was worse... just worse.
And 26 letters weren't enough to describe how I feel right now.
Nakatayo lang ako dun, pinapanuod si kuya JP maglakad papalayo. Hindi ko naman matawag ang pangalan niya kasi parang may humihila sa dila ko. Hindi naman ako makatakbo para habulin siya kasi nakasemento na ang mga paa ko. Nandun lang ako, walang ginawa. Saan pa nga ba ako magaling? E di sa pagiging mahina.
"Chloe," ramdam ko nang dumapo ang kamay ni Kaden sa braso ko. Napatingin naman ako sa kaniya, nakatingin din pala siya kay kuya JP. His lips parted but no word came out.
Tumingin naman ako kaagad kay ate Red, pinagmamasdan niya lang yung kamay ni Kaden na nakakapit sa akin, then she looked at me with disgust, "Do you even know what you're doing?" Napailing siya, she was disappointed in me. Tumalikod siya at hinabol si kuya JP. I watch her go.
Para akong kinurot sa singit ko nung narinig ko yun kay ate. Hindi ko na rin mapigilan na hindi magalit sa sarili ko. Kahit kailan wala na akong ginawang matino.
Agad ko namanng tinanggal ang kamay ni Kaden sa braso ko, "Kaden, please...." those words sounded as desperate as I am, "space," dugtong ko.
Wala nang sinabi si Kaden sa akin pagkatapos nun, naglakad na rin na lang siya pabalik sa studio, o kung saan man siya pupunta ngayon.
I stood there, in the middle. Two boys walking away from me. It was as if they were an extension of my arms; Kaden's from right and JP's from left. At habang naglalakad sila papalayo, nahihila at nahihila rin ang mga braso ko mula sa katawan ko. Naglalasog ang laman at loob. Nagdudugo.
Tumakbo na ako papasok ng bahay saka nagkulong sa kwarto para makapag-isa. Hindi na ako lumabas ng kwarto ko simula nun. Inaabutan na lang siguro ako nila mommy ng pagkain pero hindi ko masyadong nagagalaw kaya nanghihinayang ako kasi nasasayang ko.
Not knowing it, Sunday na pala.
It was Friday nung nagkasira-sira na kaming lahat. Ako. Si kuya JP. Si Kaden. At si ate. She may be annoying at some point pero hindi niya pa rin nakakalimutang ipamukha sa akin kung gaano siya kagaling sa pagiging anak, kaibigan at girlfriend. At some degree, sa pagiging anak medyo nagtitimpi na lang si mommy at daddy sa pride ko. Sa pagiging kaibigan, I'm shutting everybody out for a while. Ni tawag nila Kim, Mayen, Lynet, Dana at Hazel ay hindi ko sinasagot. Kumalat na siguro ang balita kung gaano ako ka-bitchy sa pinaggagawa ko sa dalawang lalaki na pinag-aagawan ng halos lahat ng babae sa campus. Sa pagiging girlfriend, para akong bumagsak na eroplano at nag-crash landing sa bato. Wala ng pag-asang mabuhay pa ang relasyon namin. Ako ang sumira sa pangarap kong matagal ko nang hinangad.
I'm losing JP.
It's odd to think that I used to be obsess with him, pero ngayon, he's slipping right off of my finger.
Nakapag-isip-isip ako habang nakakulong ako dito sa kwarto. Ba't hindi ko pa kinausap si kuya JP ng matino sa una pa lang di ba? I mean, what is a relationship without trust? Pero sa tingin ko huli na ang lahat. I ruined everything.
I came in like a wrecking ball ang peg.
Nababagot na ako dito sa kama kaya napag-isipan ko ring lumabas muna at magpahangin. Magja-jogging na rin siguro muna para mapagod ako at mabilis akong makatulog mamaya. Hindi ko na kailangang umiyak muna bago ko i-knock out ang sarili ko sa kama.
Nagbihis na ako. Sando tapos nagpatong pa ako ng sweatshirt, shorts tapos nag-suot na rin ako ng running shoes. Bitbit ko rin yung phone at earphones ko pati yung armband ko para dun ko na lang iiipit ang phone habang nagja-jogging ako. After that, lumabas na ako ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Neophilia
Teen FictionAfter finding out that life has nothing to offer for her, King is about to face a love that will change her.