Author's Note: Don't hate me -gretell
NEOPHILIA 20:
Nagising na lang ako sa umaga na pinagpapawisan at medyo hinihingal. Hindi naman ako binabangungot pero nagising ako sa isang imposibleng panaginip. Ang ikasal ako sa taong hindi ko kilala. Sino si Kaden? Sa panaginip ko, iilan lang dun ang totoo; yung party ni Katherine at ang pag-aya sa akin ni Ellan sa party. But the name Kaden, though, is really familiar to me. Parang narinig ko na siya.
Sa hospital, maybe. He might or might not be there by the time that I woke up. Other than that, wala na akong maaalala. I completely shut myself off from people I don't know. It's one of the reasons why I decided to migrate here in US. To start over again. To rewrite the forgotten memories with happy ones.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at saka lumabas ng kwarto. Kailangan kong maghilamos para mahimasmasan ako ng husto. Lasing pa yata ako. Pumunta kasi ako sa bachelorette party ni Katherine, kasama sila Ellan at India. And let me tell you, that party goes from mild to epic-ally wild. Naaalala ko na naman yung imahe ng lalaking stripper dun sa party ni Kath. Wala ng suot! Well, except dun sa manipis na telang tumatakip sa private parts niya.
Nang nakaabot na ako sa CR, binuksan ko na yung gripo saka naghilamos. Nakaramdam kaagad ako ng hinahon ng dumampi sa pisngi ko yung malaming na tubig. Pinatay ko na yung gripo saka napaupo sa sahig. For some reason, naeenjoy ko yung lamig ng floor dito sa cr. Walang duda, lasing pa nga ako.
Krriiing!
Nagulantang ako sa ingay ng phone ko. Nasa kwarto ko pa yun ah? Ba't parang ang lakas? Narinig ko pa siya dito hanggang cr eh (ganito ba talaga kapag lasing? I thought it's the other way around?). Kumapit ako dun sa may lababo para makatayo ng maayos. Lumabas akong cr para kuhanin sa kwarto ang phone ko.
Nakita kong 4:23 na pala ng umaga.
"Hello?" sabi ko, biglang sumakit yung lalamunan ko nung nagsalita ako.
"King?" Umiiyak ba si daddy?
"Daddy, anong nangyayari? Ba't - ba't ka naiyak?" Nakaramdam ako ng matinding nerbyos nang marinig kong nahagulgol si daddy. Nakalimutan ko tuloy yung sakit ng lalamunan ko saka yung kalasingan ko sa tawag ni daddy.
"Wala na... Wala na mama mo,"
Tumigil ang mundo ko.
"What? Daddy, wag kang ganyan! Wag kang magbiro! Daddy, this isn't funny! Why would my mom be dead? What happened to her?!" Nanginginig na yung mga daliri ko. Hindi ko na namamalayan na naiyak na rin pala ako. Ang babaw ng paghinga ko. "Daddy..."
"May sakit mama mo... Matagal na... Sorry, hindi namin sinabi sayo..." Bumigat ang balikat ko sa mga salitang narinig ko. May sakit pala si mommy. Ba't hindi ko man lang napansin? She was healthy the last time I saw her, right before I flew to New York! Why would she be sick all of a sudden!
"Daddy, anong sakit ni mommy?" Nafu-frustrate ako sa naririnig ko. Humihigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. Sarili kong laway ay nasasamid pa ako.
"May leukemia---"
"Kelan pa? Daddy, kelan pa nagkasakit si mommy?!" Tumataas na ang boses ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman. Lungkot. Lito. Galit. Inis.
"Nung... naaksidente ka, anak. Kailangan mo kasi ng dugo noon at parehas kayo ng mommy mo. Dun nalaman sa test na hindi ka pala pwede salinan ng dugo ng mommy mo kasi may... May... May mali sa dugo ng mommy mo---"
"You should've told me! Pwede sana nating pagamutin dito sa Amerika si mommy! Ba't niyo ito nilihim sa akin, daddy?! Ano sa tingin niyo, mas magiging madali kapag hindi ko nalaman?!"
"Your mom chose to keep it from you, King. Ayaw na niyang maabala ka pa---"
"That's bullshit! BULLSHIT!" Ang sarap itapon ang cellphone ko sa sobrang inis ko.
Hindi na nagsalita si daddy mula sa kabilang linya. Tahimik lang siya pero naririnig ko pa rin yung mga hikbi niya. Naiimagine ko si daddy na nakaupo sa sahig at nakayuko habang kausap ako. Naiimagine kong humahagulgol siya habang hawak niya yung telepono para tawagan ako. Naiimagine ko si mommy. Naaalala ko yung huling yakap sa akin ni mommy noon sa airport. Hindi naman kita sa pisikal na may sakit si mommy. Malakas siya at may malapad pang ngiti sa mukha niya. Ayaw kong maniwala sa narinig ko. Ayaw kong tanggapin na wala na si mommy ngayon.
Pero wala na akong magagawa. Huli na ang lahat para may magawa pa ako para kay mommy.
"Dad, uuwi ako, okay? Wait for me..."
"Okay, anak. Okay..."
Pagkalanding ng eroplano sa NAIA, tinawagan ko na si daddy para magpasundo sa kaniya. Ironically, hindi ko maalala kung saan ako nakatira for almost 19 years. Damn that stupid accident and my sudden memory loss.
"Hindi ako ang susundo sayo, anak... Inaasikaso ko pa dito mga bisita eh. Si JP na lang muna susundo sayo--"
"Dad, what? Sino si JP? Ba't hindi na lang si ate? I know you know how I feel with people I don't recognize!" Naidabog ko yung maleta ko sa sobrang inis. Nakilala ko na itong si JP. Sa hospital, nung nagising ako. Pero wala na akong maalala kung sino man siya sa buhay ko, so who's he? Actually, so as my sister. Nagising na lang ako mula sa pagkakaaksidente ko na may ate pala ako. I don't know why its possible to forget that much of memories. Mahirap. I suddenly felt that I'm left behind.
"King!" lalaki yung boses na naririnig ko. "King!" Sigaw niya ulit. Hinanap ko kung sino hanggang sa may makita akong mga kamay na nakataas. Tiningnan ko kung kanino yun, at tiyak nga. Siya yung nagtatawag ng pangalan ko. Lumapit ako sa kaniya. Inirapan ko pa. "Sungit mo naman! Long time no see!"
Hindi ko pinansin ang excitement niyang makita ako.
"I'm JP nga pala... Just in case you forgot... Again," nakangiti pa rin siya. What is he doing? Ganito ba talaga siya ka-jolly? Kakasuka. "Tagal na kitang hindi nakita, King! Ang laki na ng pinagbago mo! Nagpakulay ka pala ng buhok? Bagay yang brown... Blond-ish - hair sayo. Saka ang ikli na ng buhok mo! Namiss ko yung dating King" dugtong niya pa.
I internally groaned. Nginitian ko na lang siya kahit pilit pero hindi ako nagreply sa kung anuman ang sinasabi niya.
"So... alis na tayo? Naghihintay na siguro si tito sayo." Napakamot siya sa ulo niya, "Oo nga pala... Sorry sa nangyari kay tita--"
"Let's just go." Pagtataray ko kay JP. There's something about him na hindi ko mapoint out kung bakit nakakainis siya.
"Ah, sabi ko nga!" Nataranta siya sa pagtataray ko. Agad naman niyang inako yung maletang bitbit ko tapos siya na ang naghila papalapit sa sasakyan niya. "King---"
Bago pa niya ituloy kung ano sasabihin niya, nag-ring yung phone ko. "Excuse me," sabi ko. Hinanap ko sa back pack ko yung phone ko saka sinagot yung tawag.
Si India yung nasa kabilang linya, "King... I know that you're busy and all - I understand that you have to go home, but... I need the layout by tomorrow. Can you do that?" Medyo naghehesitate si India. "I'm sorry King for calling and disturbing you, but I really really need it.'"
I pinch the bridge of my nose, "It's - it's alright, India. I'll send it to you via email, okay? Expect the layout by tomorrow morning..."
"Alright, alright..." sabi ni India, "I am truly sorry about your mother, King..."
Napangiti ako, "Thanks, Inds. I call you right back. See you soon then," sabi ko tapos kinansel ko na yung tawag niya. Nakita kong nakatingin sa akin si JP, "What were you saying?" tanong ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya, as if parang hindi niya alam kung ano sinasabi ko, pero nagets din niya kaagad, "Ay... Uhm - wala naman... It's just nice seeing you today," sabi niya.
Ngiting-pilit ang pinakita ko sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung ano dapat ang sasabihin ko sa sinabi niya. Iniba ko na lang yung usapan, "Is there a wi-fi to where we're going?" I have to divert my focus on something else before I go hysterical in grieving towards mom. I fucking miss her.
BINABASA MO ANG
Neophilia
Teen FictionAfter finding out that life has nothing to offer for her, King is about to face a love that will change her.