Neophilia 1

3.1K 64 18
                                    

NEOPHILIA 1: CATWALK

Ngayon ko pa lang nari-realize na mahirap nga mag-college. Hindi ka pwedeng magpa-basta-basta na lang sa grades kasi dito na talaga nakasalalay ang kinabukasan mo. Hindi katulad nung highschool na pwede pumetiks at mangopya lang sa kaklase. Pero ngayon sophomore college na ako, pahirap na ng pahirap ang mga majors ko at kelangan ko na silang lahat na ipasa. Hindi epektib ang pangongopya, I swear.

Siguro eto lang ang naging lamang ko kay ate Red. Mas sineryoso ko ang pag-aaral kesa ang pag-aasikaso ng sarili ko during puberty stage. Balewala sa akin ang pimples, pero kay ate, halos ingudngod na nya ang mukha nya sa sabon at tubig sa kakahilamos.

"King!"

Napakeme ako sa pagkarinig ng pangalan ko. Hindi ko alam kung anong drugs ang nasinghot ng mga magulang ko at ipinangalan nila sa akin ay King. Sabi kasi nila, ineexpect daw nilang lalabas kay mommy eh lalaki pero medyo nadisappoint sila ng makitang babae ako. Medyo ouch yun sa part ko. Pero napag-isip-isip ko rin na okay lang din naman kasi medyo kakaiba syang pangalan para sa babae.

Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa likuran ko. Nakita ko si ate Red na nagka-catwalk papalapit sa akin. I mean, literal, akala mo parang naglalakad sa project runway. Sa perfect nyang buhok, katangkaran, kapayatan at sa ayos ng kanyang pananamit, minsan mapagmimistulan mo syang model o artista. Pero hindi. Siya lang naman itong kapatid ko na si Bailey Red De Guzman. Ang graduating college student ng Communication Arts.

"Bakit?" hindi ko tiningnan si ate sa mata. Nakatingin lang ako sa mga kuko nyang nakapintura ng ombre style.

"Pasabi naman kay mommy na medyo late ang uwi ko, ha?" may halong panglalambing yung sinabi sa akin ni ate. Naku, alam ko na kung ano ang hidden message ng sinabi nya. Sabihin na lang natin na ang sagot dun eh ay isang boylet na pinagkakaguluhan ng mga katulad ni ate. Si Adam Fletcher.

Naiintindihan ko naman kung bakit grabe makatili si ate sa kwarto nya kapag kausap nya si Adam sa telepono. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung ang FilAm nyang kabatchmate eh inlove na inlove sa kanya? Yung mga katulad ni Adam eh once in a blue moon lang yan dito sa Pilipinas.

"Ano sasabihin ko kay mommy? Ate Red naman eh," Nilakihan ko ng mata si ate Red,  "Wag mong sasabihing may gagawin kang project kaya malelate ka!"

Ipinalakpak ni ate Red yung mga kamay nya sa tuwa, "Alam mo naman pala sasabihin mo eh. Sige na? Please? Sasabayan ka naman ni JP pauwi eh kaya hindi ka mag-iisa, okay?"

Hindi alam ni ate Red kung ano ang epekto sa akin ni kuya JP. Wala syang kaide-ideya kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko o kung gaano nagha-hyperventilate ang lungs ko kapag naririnig ang pangalan ni kuya JP. How much more kapag nakikita ko syang papalapit sa akin? I mean, how much more kapag nakikita ko syang papalapit kay ate Red? Kahit si ate Red ang gusto ni kuya JP, ayos lang sa akin. Isa na ako sa mga babaeng nagpapaka-martyr para lang makasama yung lalaking gusto nila.

Matagal na akong naging expert sa pagtatago ng feelings ko kaya ni minsan hindi ni ate Red nahalata na may gusto ako sa bestfriend nya. Never rin syang naghinala na may feelings ako kay kuya JP. Hindi ko nga alam kung pwede na akong maging artista sa galing ko mag-acting o sadyang manhid lang si ate Red at hindi nya alam kung ano ang nararamdaman ko kay kuya JP? Either of the two, I couldn't careless.

"Oh, look! JP!!!!" sigaw ni ate Red sa malayo.

Napalingon naman ako kung saan nakaharap si ate Red para makita si kuya JP na naglalakad papalapit sa amin. Alam mo yung mga music video na bigla na lang magso-slow motion kasi binibigyan nila ng hot shots ang mga cute guys?

Ganun! Ganun ang nangyayari sa mundo ko kapag nakikita ko si kuya JP na naglalakad. Hindi ko nga alam kung bakit hindi sya magustuhan ni ate Red, eh tingnan mo nga naman itong demigod na naglalakad papalapit sa amin! May mga tao talagang nasa malayo ang tingin kahit na ang taong dapat sa kanila eh nasa harapan na nila.

"Red," bati ni kuya JP kay ate. Binigyan naman ako nu kuya JP ng ngiti nang makita nya ako sa tabi ni ate, "King," sabi niya. Isa na rin ito sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto ko yung pangalan ko. Ang sarap pakinggan ng 'King' kapag nanggagaling kay kuya JP. Ugh, feels.

"Sabayan mo itong si King, JP ha?" pagmamadaling sabi ni ate Red kay kuya JP habang nakatingin sya sa cellphone nya, "Tinetext na ako ni Adam eh---"

"Teka, ate, may klase pa si kuya JP eh!" sabi ko pero hindi ako pinansin ni ate. Tingnan mo nga naman kung gaano ako ka-stalker kay kuya JP, pati schedule nya alam ko! Shet, I should stop doing this! It's not healthy.

"See you guys later!" nagbabye na sa akin si ate Red tapos nag-catwalk ulit papalayo sa amin ni kuya JP.

Nilingon ko si kuya JP at halatang medyo may pagkalungkot ang mukha nito. Alam ko kasing nagseselos si kuya JP kapag kasama ni ate Red si kuya Adam. Naiintindihan ko naman sya eh. Ganun din kaya ang nararamdaman ko kapag nag-eeffort si kuya JP na makasama si ate Red! So you see how lucky my sister is? Dalawang lalaki na ang patay na patay sa kanya! Ako naman? Eto, zero.

"Kuya JP, sorry kung nadali ka pa ni ate Red. Di mo na ako kelangan iuwi. May klase ka pa eh," hindi ako makatingin ng diretsuhan kay kuya JP lalo na kapag ako lang ang kasama nya. Feeling ko kakainin ako ng buhay ng mga mata nya kapag nakipagtitigan ako sa kanya, "saka isa pa... Dadaan akong library. Ibabalik ko tong libro kay Ms. Herrera eh,"

"Are you sure?" tanong nya sa akin, pero hindi sya nakatingin sa direksyon ko. Nakasunod pa rin ang tingin nya kay ate Red sa malayo na kasalukuyan nang niyayakap si kuya Adam.

"Alam mo... Ikaw lang din naman ang nagpapahirap sa sarili mo, kuya JP eh." sabi ko.

This time, nakuha ko na atensyon ni kuya JP kasi lumingon na sya sa akin, "H-ha? Paano mo naman nasabi yan?"

"Wag ka ngang magpaka-martyr dyan..." Ha! Speak for myself, "Tapatin mo na kasi si ate. Hindi nadadaan sa pasimpleng motibo yan. Manhid si ate Red..." I chewed my inside cheeks. Ako yung nasasaktan sa sarili kong advice kay kuya JP eh.

Malalim ang pagbuntong-hininga ni kuya JP, "Eh... Dyan sya masaya eh. Haharang pa ba ako at maging kontrabida sa buhay nya?"

Hindi ako sumagot.

"Kilala ko na si Red simula nung lumipat kayo sa subdivision namin nung bata pa tayo... Bakit ngayon pa ako eekstra sa buhay nya? Hayaan mo na." dagdag pa ni kuya JP.

Sa tagal-tagal ko nang nakakasama si kuya JP, lagi ko na rin naririnig ang mala-dramatic dialogues nya. Open na open si kuya JP ng feelings nya kapag kasama nya ako. Nasasabi nya talaga yung mga tinatago nyang galit, selos at sakit kapag nakikita nyang masaya si ate Red sa ibang tao. Pero kahit na ganun ang nararamdaman nya, heto pa rin sya. Nag-eeffort na mapansin ni ate. Minsan na akong naisama ni kuya JP sa mga plano nya kay ate Red kaya alam ko kung gaano sya naghihirap para kay ate.

Sa totoo lang, hindi lang naman si kuya JP ang nasasaktan eh. Ako din naman. Pero syempre, hindi ko na lang pinapahalata na nagseselos at nagagalit ako sa kanya. Napaka-fake ko talaga.

"S-sige na, kuya JP... Dadaan na muna akong library..." pamamaaalam ko sa kanya. He just nodded his head tapos nagbabye na rin sya sa akin. Nagsimula na agad ako maglakad papalayo sa kanya kasi any minute from now, babagsak na yung luha na kanina ko pa pinipigilan.

{ A/N: Heto na ang first chapter! Teaser pa lang ito kumbaga. The rest of it's chapters eh medyo matatagalan pa. Siguro magpopost na ulit ako nito kapag natapos ko na talaga yung 90 Days With Quinn. Kaunti na lang ang natitirang chapters nun; mga tatlo. Pero kung gusto nyo talaga ito, ipush nyong umabot hanggang 7 votes ang chapter na 'to. Pero hindi ko naman kayo pinipilit eh. Choice nyo naman yun. Ang mahalaga -- MAGCOMMENT KA! Okay? :)) Yay! :"> Sige sige. Byeeee *hugs* -- Gretell }

NeophiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon