*Iya*
“Iya, wake up.”
“Hmm?”
“Princess, you’ll be late for school… gising na.”
Bahagya niyang naibukas ang kanyang mga mata at nagulat sa nakita. “Kuya Brix? Kuya Cedric?” She looked at her phone placed at the top of her side table and checked the time. “It’s only 3am ah?? 9am pa pasok ko today a…”
“Uhh, yes...” sabi naman ng kuya Cedric niya.
“Yeah we know…” pagsegunada pa ng kuya Brix niya. Naupo pa ito sa glid ng kama niya.“We made breakfast for our only princess.”
“Anong ‘We’?” hinampas ito ni Cedric sa balikat. “Ako lang kaya nagluto nito...”
“Ako naman ang nagprepare ah.” Sagot naman ni Brix dito.
Ang aga namang breakfast yan, hindi ba yan makakapaghintay?? Inaantok pa talaga akoooo!!! Aahhhh…..>.<
Lumingon lingon siya sa kwarto. “Nasan si Yaya? Bakit kayo ang gumigising sakin??”
“She’s still asleep, Inunahan namin si Yaya Mabel pag-gising.”
Kinusot kusot niya ang mga mata at naghikab. “Hindi ba over kayo sa aga kuya?? 5am ako kung gisingin ni yaya ah.”
“Hindi ah, baka nga late na tayo e.” sagot naman ng kuya Brix niya.
At dahil nga kagigising lang niya ay hindi pa talaga nagfufunction ng maayos ang utak niya para maintindihan ang mga sinasabi ng mga kuya niya. “Ha? Ano bang gagawin natin?? Saan tayo pupunta?”
BINABASA MO ANG
F.L.A.M.E.Sweethearts
Teen FictionHilig na talaga ni Iya ang pagsulat ng tula-lalo na't ang subject niya lagi sa mga issues ng TFI ay ang pinakatatago niyang pag-ibig para kay Justin Alexander Benedict Gutierrez, ang captain ball ng basketball sa CSU. She had a big crush on him, bak...