*Iya*
“Talaga? Niregaluhan ka ng mga kuya at papa mo ng kabayo?”
Tumango siya sa tanong ng kaibigang si Yen. “Oo.”
“Wow, ang swerte mo naman sa mga kuya mo, eh di sobrang saya mo ngayong birthday mo noh?”
“Oo naman, pero mas swerte naman sila sakin noh! Hahaha” pagmamalaki pa niya.
“Upgraded nga yang mga brothers mo, asensado ang regalo ha? may buhay pa!” Biro pa nito.
Nginitian na lang niya ito. “Uy, punta ka sa bahay mamaya ha? Kakain tayo!!!” pagaaya niya pa dito. “Iimbitahin ko din sina Keira, Yumi, Wayne, Denisse, Celine at Gab.”
“Gab? Yung pinakilala mong santo sakin last time? Yung tumulong sayo at humila sayo palabas sa kumpulan ng mga babaeng nagwawala dahil sa mga knights? Yung wala man lang bahid ng kayabangan sa katawan? Yung napakadown-to-earth, at kaisa-isa na yatang tao sa mundo na handing magbuwis buhay alang-alang sa pagkakawanggawa?”
Natawa siya sa sinabi nito. And it all started with the name GAB, na nabigyan na ng maraming kahulugan ng baliw niyang bestpren.
BINABASA MO ANG
F.L.A.M.E.Sweethearts
Teen FictionHilig na talaga ni Iya ang pagsulat ng tula-lalo na't ang subject niya lagi sa mga issues ng TFI ay ang pinakatatago niyang pag-ibig para kay Justin Alexander Benedict Gutierrez, ang captain ball ng basketball sa CSU. She had a big crush on him, bak...