Chapter 1 *unexpected*

808 14 1
                                    

“HOY Victoria Angela Tejeros, tulala ka na naman jan… di ka ba nangangalay?”

Naalog ata ang utak niya sa lakas ng pagyugyog ni Julienne sa kanyang balikat.

“Ha?—Ano?”

“Hay nako, le’me guess, BAJ right?”

“Ha??—Hindi ah!”

“Ows?? Ikaw, papalusot ka pa eh, tingnan mo kaya yang notebook mo, pinuno mo na naman ng ‘I Heart BAJ’.. ‘kaw, denial queen ka talaga…”

“Grabe ka naman. Hindi naman masyadong puno ah.”

“Anung hinde? Hindi lang masyadong puno, kasi punong-puno. Wala na nga halos makitang papel jan eh.”

Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi nito. Naroroon sila ngayon sa isa sa mga benches malapit sa open court na pinaglalaruan ngayon ng basketball ng ‘kanyang minamahal na nilalang’. “Ang gwapo talaga niya noh?” tanong niya rito habang nakatitig sa court at nakapangalumbaba sa lamesang kaharap niya. “Lalo siyang gumugwapo sa tuwing titingnan ko siya.”

Napatingin si Julienne sa direksiyong tinitingnan niya, umakto itong parang may hinahanap. “Sino ba? Si Brian ba?? ‘yung super yabang na lampa naman na manliligaw mo???”

Alam niyang inaasar lamang siya nito. “Excuse me, ex-manliligaw.” Proud niyang sabi.

“Ahh.. oo nga pala, it’s been a year mula nang binasted mo iyan. I remember pa nga nung time na yun, sa sobrang galit niya dahil di matanggap na may bumasted na sa kanya eh, ‘NAG-DIVE n’ SLIDE exhibition nga pala iyon sa hagdan na una ang puwitan’…” natatawang lahad ni Julienne.

She rolled her eyes and grinned at Julienne, ganito talaga ito palibhasa eh hindi pa nararanasan ang sarap ng feeling ng nagmamahal, ang taas-taas kasi ng standards nito pagdating sa mga lalaki kaya ayun, walang maging boyfriend. “Ikaw Yen ha, ang BAD mo.” Tanging nasabi niya rito.

“Huh? Ikaw kaya ang bad jan, kung hindi mo binasted yung tao eh hindi naman mapapahiya nang ganun noh! Pero on second thought, ok na din siguro kasi nabawasan naman yung ang kayabangan niya, may rason na kasi siya para mahiya.” Tuloy-tuloy na sambit nito sa kanya.

“Eh bakit ko naman kasi sasagutin yun eh di ko naman siya mahal? And isa pa, magiging unfair yun sa kanya kung sinagot ko siya at kami na eh siya lang ang may nararamdaman para sakin.”

“Hmmm… kung sabagay may point ka.” Nangalumbaba ito at tumingin sa malayo na para bang nangangarap. “Iba na talaga ngayon noh? May nagkakagusto nga sayo, hindi mo naman mahal, ‘at kung sino pa yung mahal mo, wala namang interes sayo. Ang weird!!”

F.L.A.M.E.SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon