*Justin*
“Ganyan ba kahina ang mga knights ng CSU?? Yan lang ba ang kaya nyo??” ani Kian habang nakaharang at binabantayan ang bola kay Tristan.
“Mukhang pagod na agad kayo ah, o ano Van kaya pa??” untag naman ni Rye.
Naipasa naman ni Kian kay Chad ang bolang naagaw kay Tristan.
“Oh Van, yan lang ba ang kaya mong ipagyabang samin?? Ang weak mo naman pala.” Sambit pa dito ni chad habang naidridribol ang bolang hawak.
“Teka nga! Bakit ba ako lang pinagtritripan nyo??” angil naman nito.
“Eh ikaw lang kasi ang mayabang diyan eh.” Sagot naman niya dito.
“Ano pa bang maipagyayabang niyan?” tanong ulit ni Chad.
“Si Aisa.. ay! Si Yana pala.” Biro naman ni Drew.
Sumama ang tingin nito kay Drew na ngayo’s nakangisi pa din kay Van.
“Eh wala naman si Yana dito eh, anong ipagyayabang mo ngayon??” nang-aasar na tanong pa ni Kian.
“Mukhang naiinis na si Van ah, baka mapilitan yang ilabas ang asset niyan sige kayo.” Sabi naman ni Tristan.
Nakita niyang may naibulong si Chad kay Kian at Trev.
“Ang init noh? Mas maginhawa sigurong maglaro pag walang tshirts.” Sabi ni Chad sabay senyas sa kanila ni Drew at Tristan.
“Kaya nga, mas enjoy siguro ang game diba??” pagsegunda naman dito ni Kian.
BINABASA MO ANG
F.L.A.M.E.Sweethearts
Teen FictionHilig na talaga ni Iya ang pagsulat ng tula-lalo na't ang subject niya lagi sa mga issues ng TFI ay ang pinakatatago niyang pag-ibig para kay Justin Alexander Benedict Gutierrez, ang captain ball ng basketball sa CSU. She had a big crush on him, bak...