Chapter 6 *Lions or Knights?*

416 11 2
                                    

*Justin*

“Van! I’m open!” Agad naman niyang sinalo ang bolang naipasa ni Van sa kanya.

Ilang minuto na lang ang natitira sa fourth quarter ng game nila at lamang pa din ng tatlong puntos ang ERU lions.

Nai-dribble niya iyon habang tumatakbo palapit sa ring. Kaya mo to Justin… Knights must win this game… it’s time to give your very best…

He passes the ball to Tristan, whom was closest to the ring. Tristan throw the ball to the ring, pero hindi nagshoot iyon dahil agad na naagaw ng lions.

And there they went running again to the other side of the court. “Guys!! Focus tayo!!”

*Iya*

“Kailangang lumamang sina Justin sa quarter na ito! With 3 minutes left, Kaya kala nila ito Iya??”

She can feel the peer pressure in the whole gymnasium, kanya-kanyang sigaw ang mga tao sa teams na sinusuportahan nila, halos tatlong minuto na lang ang natitira sa fourth quarter ng game, and leading ang ERU lions na may 51 points…

“Huy Iya, mukang masyado kang seryoso sa panonood mo ah?”

“Yumi, Denisse??”

Yumi smiled at her. “Oo kami nga, sobrang focused ka kasi sa game kaya siguro hindi mo kami napansin agad.”

“Ganun ba?? Aww.. sorry.”

“Yumi, hindi yan focused sa game, kay Mr. Team Captain yan super focused!” sabad ni Keira na ngayo’y nagpapaka-busy sa pagkuha ng litrato sa game.

“Sino? Si Justin?” tanong naman ni Denisse. “You like him Iya???” baling nito sa kanya.

F.L.A.M.E.SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon