*Iya*
Uhhh… sana hindi niya ako nakita!! Sana hindi niya ako narecognize kahit hindi naman talaga niya ako kilala!!! WAAH!! Sana inakala niya talagang ako yung Nurse niya kanina!! Please Lord!! Sana po ganun ang nangyare!!!! >.<
Paulit-ulit lamang ang mga salitang iyon sa kanyang isip na para bang nakarecord na sa kanyang utak, kulang na lang eh ipagsigawan niya iyon habang patuloy siyang naglalakad palabas at palayo sa clinic.
Napakarami na niyang pinoproblema ng mga oras na iyon. Una ay hindi pa niya alam kung saan na ba siya tutungo ngayon, pangalawa, pinoproblema din niya kungf paano ba niya pakakalmahin ang kanyang pusong nagwawala!! At ang pangatlo’y…
Hindi na niya talaga alam kung PAANO BA SIYA MAKAKADAAN SA ISANG MALAKING KUMPOL NG TAONG NASA HARAPAN NIYA!!!!!
Oh My Gosh, wala nang ibang madadaanan dito! “Paano ba kasi ako makakdaan dito? Bakit ang dami na namang tao??” sambit niya sa sarili habang papalapit sa grupo ng mga taong Naroroon na karamiha’y babae.
Ahh… bahala na nga.
Wala na siyang choice kaya naman dumiretso na lamang siya at nakipagsiksikan sa mga tao na nakaipon doon.
Grabe, ang sikip na nga, sobrang ingay pa netong mga ito!
Kung hindi lang talaga siya nagmamadali ay aantaying talaga niyang maubos ang mga taong iyon na Naroroon, eh kaso kailangan na talaga niyang umalis doon eh. Ang puso niya kasi… Ugh…
Naiinis na siya, mukang walang katapusan ata ang nilalakad niya’t hindi na niya makita ang kanyang nilalakaran at patutunguan sa kapal ng tao.
Lalo pa niyang ikinainis ang mga ipinagsisigawan ng bawat babaeng nakkasalubong niya.
“Girls look!! Its SEAN!!!!!”
“Ay! Si Sean! Papalapit yata sa atin!!”
“Oh My gosh!! Ayos ba ang buhok ko???!!”
“Tara! Pa-autograph tayo!!”
BINABASA MO ANG
F.L.A.M.E.Sweethearts
Teen FictionHilig na talaga ni Iya ang pagsulat ng tula-lalo na't ang subject niya lagi sa mga issues ng TFI ay ang pinakatatago niyang pag-ibig para kay Justin Alexander Benedict Gutierrez, ang captain ball ng basketball sa CSU. She had a big crush on him, bak...