Chapter 12 *Into Justin's other world*

436 12 2
                                    

*Justin*

“Oy Justin, bakit nakatulala ka jan?”

Napatingin siya sa kumausap sa kanya at nakita na si Van lang pala iyon. Katatapos lang nitong uminom ng tubig sa waterjug nito.

“Iniisip mo ba yung stalker mo na hina-hunt ni Sean??”

“Hindi.”Bumalik na naman sa isipan niya ang lahat ng may kinalaman sa topic na iyon. “Sinabi ko naman sa inyo na hindi ako interesado sa bagay na iyan…”

“Hmmm… okey.” Sagot na lamang nito. “O Chad! Ikaw pala.” Sambit naman nito nang malingon sa likuran. Binati naman ito ni Chad.

“Palaro nga, ok lang ba Justin?” tanong naman nito nang makarating sa pwesto niya.

“Sige Chad! Sali ka samin, ikaw muna palit kay captain, nyahaha!” sigaw naman iyon sa kanila ni Sean na nasa loob pa din ng court sabay bato ng bola kay Chad.

“Wala kang klase ngayon?” tanong naman niya rito.

Sinalo nito ang bola at umungos ito ng mukha.“Meron. Pinalabas ako ng professor namin kaya dito na lang ako pumunta.” Sambit pa nito habang pinapaikot-ikot sa daliri ang bola.

F.L.A.M.E.SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon