“Iya? Ayos ka pa ba dyan? Tama na kaya. Nakarami ka na masyado ah.”
“Kaya nga. Paawat ka naman kahit ngayon lang.”
“Ano bang gusto mo? Habambuhay ka na lang ganyan? Kelan mo balak tumigil aber??”
“Lalake ba? Pagusapan kaya natin.”
Tiningnan niya ng masama ang mga ito. Paano naman kase…..
Kung maka-awat at makapayo eh, daig pa niya ang NAGLALASING!! Hay nako, hindi lang maintindihan ng mga ito ang kanyang sayang nararamdaman ngayon.
"Hoy bakit ba speechless ka jan ha? magkwento ka naman!" Si
Ngumiti lamang siya rito, at muling ipinagpatuloy ang pagsusulat.
"Hala! at ang bruha, pipi ka na neng?"
"Hay nako, wala kayong mapapala jan noh, kaya kahit magtatalak kayo jan maghapon'magdamag, kung wala yan sa mood magkwento, hindi nyo yan mapipilit." untag naman ni Bianca na ngayo'y nagso-sort out ng files sa kabilang table.
"Ewan sayo Bianca ha, Bad Vibes ka na naman??! kahapon pa yan ah, palipas ka girl!"
Sumabad naman si Keira sa dalawa. "Eh kasi naman kayo, hayaan nyo na nga si Iya, alam nyo namang nagkakaganyan lang yan pag nakakasilay sa prince charming niya eh." sabay kuha ulit ng mga litrato sa dito. "Right Iya? SMILE!"
BINABASA MO ANG
F.L.A.M.E.Sweethearts
Novela JuvenilHilig na talaga ni Iya ang pagsulat ng tula-lalo na't ang subject niya lagi sa mga issues ng TFI ay ang pinakatatago niyang pag-ibig para kay Justin Alexander Benedict Gutierrez, ang captain ball ng basketball sa CSU. She had a big crush on him, bak...