Chapter 13 *dream UNICORN ko, half real?? v(^_^)v*

399 12 1
                                    

*Iya*

“How’s my baby girl? Napagod ka ba?”

“Mejo Dad! Ang bilis kasi ni Thunder eh.” Sagot naman niya habang nilalantakan ang cookies sa hapag.

Nasa porch sila at nagkakainan sa garden set doon, Naroroon pa din sila sa rancho.

“Si Cedric ba naman ang nagpapatakbo eh, buti nga hindi ka umista sa hangin.”

“Pero ang saya naman kuya Brix eh!! Para kaming lumilipad ni Kuya Ced! Di ba nga kuya Ced??” Siniko pa niya sa tagiliran ang kuya niya.

Tumango pa ang kuya Cedric niya at proud na proud pa sa sarili.

“Baka nga mamaya e magkapakpak na iyang si Thunder gawa ni Cedric.” Dagdag pa ng kanyang ina.

“Wow!! Magiging unicorn si thunder???” tuwang tuwang sabi niya. “Kuya!!! Akin na lang si Thunder pag unicorn na siya ha???” tanong pa niya kay Cedric. Take note, nagpuppy eyes pa siya dito. Hikhik, weakness ni kuya sa akin. ^_^

“Cedric, kinokontrata ka na ni bunso, ano? Papaliparin mo pa ba sa bilis si Thunder?” natatwang sabi ng Kuya Brix niya.

“Mula nga ngayon e, tuturuan ko na si Thunder ng andante sa pagtakbo.” Binalingan naman siya nito. “At ikaw,” kinurot pa nito ang pisngi niya. “Hindi si Thunder ang kabayong para sayo, at lalaking lalaki si thunder kaya hindi papayag iyong maging unicorn mo, ok?”

F.L.A.M.E.SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon