*Justin*
“BAKIT parang nakakita ng multo yun?”
“Lagot ka Justin, natakot sayo yung babae.”
“Ang gulo kasi niyang buhok mo, akala siguro nun monster ka.” Nagtawanan pa ang mga ito.
Nanatili siyang nakatingin sa may building na katapat ng open court kung saan biglang nanakbo yung babae. Nakapagtatakang bigla na lang itong nanakbo ng umakto siyang hawakan ito, iyon rin ang unang beses na may babaeng naging ganoon ang reaksiyon sa presensiya niya—which was really quite different and strange—aniya sa isip. Nabakas niya sa mga mata nito ang pagkamangha na agad napaltan ng pagkasindak, gulat at takot—at kung ano man ang dahilan niyo’y, hindi na niya alam.
“Oy dude, babae lang yan.” Si Van iyon.Tinapik pa siya nito sa balikat.
“H-ha?” tanging nasagot niya rito dahil okupado pa din nung babae ang kanyang isip.
“Tumayo kana kaya jan, naihatid mo na yun ng tingin, ok na siguro yung babae.” untag naman ni Sean.
“Nakakatakbo na nga eh, wag mo nang alalahanin pa yan. Aksidente lang naman yan eh.” Muling sabad ni Van. “Let’s get back with practicing.” Inabot niya ang nilahad nitong kamay sa kanya at tinulungan siyang makatayo. Tumakbo na ulit sila at pinagpatuloy ang pagppractice nila ng basketball.
Maya-maya’y nagsalita muli si Van. “Oi Justin, bothered ka pa rin?” napansin marahil nito ang pagkawala ng focus niya sa game.
Umiling siya. “Hindi naman, it’s just na nagtataka ako kung bakit parang natakot sa akin yung babae kanina at nanakbo palayo.” Binato niya ang bola kay Van. Natawa ito at napa-iling.
“Yeah, she’s weird.”
“Van, you mean unique, hindi weird.” Sambit ni Andrew na ngayo’y pilit na inaagaw ang bola kay Van.
“Oo nga pala, nakalimutan kong ikaw nga lang pala ang ‘weird dito sa campus, na may title na ‘ang ultimate ‘Girl repellant ng CSU who has the features of a great Greek God, na at the same time eh, nagsasayang ng ‘chicks at admirers…” tumawa pa ito.
“At least hindi babaero at heart breaker na gaya mo.” Bulong naman ni Sean kay Van. “Palibhasa torpe at di makaporma kay ‘Yana eh.” Humagikgik pa ito.
“Aba’t!” natigilan ito dahil naagaw na ni Sean ang bola at dahil nga tulala si Van ay mabilis na nai-shoot ni Sean ang bola bago pa matapos ang oras. Nanalo pa ang mga ito. Lamang sila ng tatlong puntos. Tumawa pa ito.
“Paano ba yan Van? Talo na naman kayo…” Untag ni Andrew na nagpupunas na ngayon ng pawis sa mukha.
BINABASA MO ANG
F.L.A.M.E.Sweethearts
Teen FictionHilig na talaga ni Iya ang pagsulat ng tula-lalo na't ang subject niya lagi sa mga issues ng TFI ay ang pinakatatago niyang pag-ibig para kay Justin Alexander Benedict Gutierrez, ang captain ball ng basketball sa CSU. She had a big crush on him, bak...