*Justin*
“Oh, inom muna kayo, sino nanalo??” sambit ni Cedric paglapit sa kanila.
Katatapos lamang ng laro nila at lahat sila ay nagsibalik na sa kani-kaniyang upuan sa malawak na garden ng mga Tejeros kung saan may gayak para sa celebration.
“Syempre kami.” Pagyayabang ni Chad na ngayo’y prente nang nakaupo sa upuan.
Lumapit si Cedric sa kaniya at tinapik ang balikat niya. “Ok lang yan Justin, bumawi na alng kayo next time.”
“Wala iyon, nagenjoy naman ako eh, at tsaka magagaling talaga kayo.” Sagot niya dito sabay tango sa mga nakalaban na sina Kian, Trev, Rye at Chad.
“Salamat!!! Oo nga eh, magagaling talaga kami.”
“Magaling nga kayong mandaya.” Mahinang sambit ni Van na narinig pa din ng lahat. “CONGRATS mga pare!!!!” masigla pang bati nito sa mga iyon nang makahalata na may nakarinig sa kanyang sinabi.
Napailing siya. Si Van talaga, hanggang sa huli, hindi pa din papalamang.
“Oh Van, ito ang t-shirt oh.” Sabi ni Cedric sabay bato dito ng isang t-shirt.
Tanging Varsity Jacket lang kasi nito ang tumatakip sa katawan nito.
“Onga pare, magbihis ka na, ang sagwa mong tingnan sa suot mo ngayon ah. Mukha kang baklang macho dancer.” Humahagikgik na sabi ni Tristan.
“Ano!?!?” namumula na ito sa pagsagot sa sinabi ni Trisan. “Hoy! hindi ako bakla!!!!!”
“Hindi nga, mukha nga lang eh... Van talaga, sige na magbihis ka na.” sambit naman niya dito.
Naiangat nito ang nakakuyom na kamao at isinenyas kay Tristan habang nakatingin ng matalim bagohinarap si Cedric. “Ced, saan ba C.R. nyo dito??”
“Bago ka makarating ng kitchen, turn right then yung dulong pinto doon ang comfort room.” Pagbigay naman ni Cedric ng direksyon dito.
“Cedric, wala ba doon si Aisa??” nagaalangan na tanong ni Van.
“Uy!!! Hinahanap!!!! Van, iba na yan ha!” kantyaw naman ni Tristan at Drew dito.
“Wala, nakita ko siyang tumaas kanina.” Sagot naman ni Cedric.
Tumaas??? Napaisip siya sa sinabi nito. Bakit kaya narito si Aisa?? At anong koneksyon niyon sa celebrant?? Mahilig ba si Aisa sa mga bata?
“SAYANG NAMAN!!!! Walang thrill ang pagc-CR ni Van.” Sambit naman ni Chad.
“Baka mapatay ko iyong baklang iyon pag nakita ko!!” matapang na sagot ni Van.
“Hindi ka nga makalapit kay Aisa eh…” biro pa niya dito.
BINABASA MO ANG
F.L.A.M.E.Sweethearts
Teen FictionHilig na talaga ni Iya ang pagsulat ng tula-lalo na't ang subject niya lagi sa mga issues ng TFI ay ang pinakatatago niyang pag-ibig para kay Justin Alexander Benedict Gutierrez, ang captain ball ng basketball sa CSU. She had a big crush on him, bak...